"hija, mauna na'ko. Andyan na rin 'yung anak kong susundo sa'kin. Sigurado kabang ayos ka lang mag-isa?" Tanong sa'kin ni Tatay. 'yun nalang ang tawag ko sakanya kasi medyo may edad naman na sya, e. Sya 'yung katabi ko sa airplane. Tumanggi ako. "Hindi na po. Ayos lang po ako. Kunting lakad lang tapos ando'n na po ako sa hotel." Ani ko. Nasa labas na kasi kami ng airport. Ako naman tatawid pa at unting lakad papuntang hotel. Iniimbita nya 'kong tumuloy muna sa bahay nila. "Ah, sige. Papasok na 'ko. Mag-iingat ka nalang." Ani nya na ikinatango ko. "Ingat po." Ani ko bago sya pumasok sa kotse. Kumaway pa 'ko nung pagka-alis nila. Tapos, bumalik ulit ako para magtanong sa security guard. Bawal daw kasi tumawid sa kabila kaya 'di ko alam pa'no. Sabi nya, may exit daw sa loob ng a

