"San tayo pupunta?" Nakangiti kong tanong ng maka-sakay kami ni Keflin sa kotse nya.
"Sa plaza." Maiksi nyang sagot. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Palagi kasi kaming doon nagkikita kaya parang 'yon ang tagpuan namin kumbaga.
Nag-simula na syang mag-drive habang ako, kwinekentuhan sya tungkol sa mga nangyayare sa'kin buong araw. Nang mapansin kong tahimik parin sya at parang 'di nakikinig, bumaling ako sakanya.
"Oy, nakikinig ka ba?" Tanong ko rito at nag-pout. Tipid syang ngumiti saka napabuntong hininga. "Andito na tayo." Ani nya saka umiwas ng tingin. Saglit nyang tinanggal ang seat belt nya saka lumabas ng kotse.
Siguro ay stress lang sya at naiintindihan ko naman 'yon. Napailing nalang ako saka lumabas narin ng kotse.
Habang naglalakad kami papunta sa bench, nakita ko ang nagtitinda ng cotton candy kaya agad kong kinalabit si Keflin at tinuro 'yon.
"Pwede ba 'kong magpabili?" Paalam ko sakanya saka napahawak sa braso nya. Tumango sya saka kami lumapit sa vendor para bumili.
Nanatili syang tahimik hanggang sa makaupo kami sa bench sa tapat mismo ng fountains. "Ang ganda 'no?" Ani ko na ikinatango lang nya.
Ba't parang sobrang cold naman yata nya ngayon? Nakakapanibago dahil 'di naman sya ganito kahit na minsan ay stress sya.
Napabuntong hininga ako.
"May problema ba?" Tanong ko rito. "Antahimik mo kasi." Dagdag ko pa. Bahagya nya kong nilingon sandali saka tumikhim.
"I think we need to stop this." Sabi nya. Napangunot naman ang noo ko don.
Ano kamo? Stop?
"What do you mean?" Tanong ko. Muli, ay nilingon nya 'ko ay bahagyang tinitigan. Hindi ko mabasa ang reaksyon sa mukha nya kung galit ba sya, malungkot o kung ano.
Umiling sya. "You know what i mean, Selene." Malamig nyang sabi na nagpabilis ng t***k ng puso ko.
Hindi ko man maintindihan at kailangan nya pang ilinaw ngunit tila nagkakaroon na 'ko ng ideya sa ibig nyang iparating.
Ngunit kung tama man ang hinala ko? Bakit? May problema ba kami?
"H-hindi ko talaga alam kung anong ibig mong sabihin." Nauutal kong sabi dahil sa kaba.
Umiwas sya ng tingin. "We need to stop this. We need to stop our relationship." Ani nya na ikinabigla ko. Nagkaroon ako ng ideya pero hindi ko inaasahan na 'yun nga ang ibig nyang sabihin.
"W-what? Are you kidding me!?" 'di makapaniwalang tanong ko. Bahagya ring tumaas ang boses ko.
Umiling ulit sya. "no, im not. We need to end this."
We need to end this, Selene.
Parang isang plakang nagpa-ulit ulit sa pandinig ko ang sinabi nya. Tumayo ako saka hinarap sya.
Tinignan ko sya sa mga mata saka napailing. "Ano 'to? Is this a prank? If yes, stop it. It's not funny." Ani ko. "Why are you doing this? I don't understand."
Nanlulumo ako at nagsimulang bumigat ang dibdib ko. Parang tinapyasan ng kutsilyo ang puso ko at ramdam ko na ring malapit nang bumagsak ang mga luha ko.
Tumayo rin sya gaya ko kaya nakatingala na 'ko sakanya. "Say it again, please? I wanna hear it again..." Ani ko kasabay ng pag-patak ng mga luha ko. "Please?" Pagmama-kaawa ko pa.
"Im breaking up with you." Malamig nyang sabi na tuluyang dumurog sa'kin. Mas lalong bumilis ang pag-patak ng mga luha ko.
Umiling ako saka hinawakan sya sa kamay. "W-what's wrong?" Nauutal kong tanong sa gitna ng iyak. Wala akong makitang dahilan para makipag-hiwalay sya sa'kin.
"T-tell m-me... Aayusin ko... N-natin... Kaya mo ba na wala ako?" Tanong ko sakanya ngunit wala akong makuhang sagot maliban sa malamig nyang tingin.
"W-wala naman kasi akong makitang ibang d-dahilan..." Umiling ako. "W-wala..."
Bahagyang tinanggal ang pagkaka-hawak ko sa kamay nya at walang sabing tumalikod. "Sorry, Selene." Ani nya.
Maglalakad na sana sya palayo pero agad kong hinawakan ulit ang kamay nya kaya agad syang napalingon sa gawi ko.
"B-babalik ka pa 'di ba?" Tanong ko. "B-balikan mo 'ko, 'di ba?" Tanong ko ulit.
"Sorry," sagot nya at tinanggal ang pagkaka-hawak ko at umalis. Wala na 'kong nagawa kundi ang humikbi habang naka-tanaw sa papalayong si Keflin.
Gusto ko syang habulin pero 'di ko magawa. Marami ring tanong na gusto kong itanong sakanya.
Ba't nya ginawa 'yun? May mali ba? Wala naman, e. Ayos pa naman kami kahapon pero ba't ganon?
Bahagya kong pinunasan ang mga luha ko saka napaupo sa bench. Napatingin din ako sa cotton candy na natutunaw na pala dahil natutuluan ng mga luha.
Napa-tanaw ako sa fountain na nasa harapan ko. Habang dumidilim ay mas lalong kumukulay ang kapaligiran sa Plaza.
Mga ilang minuto pa'kong nakatanaw do'n habang humihikbi bago ko naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa.
Dali-dali ko 'yung kinuha at nagbabakasali parin na baka si Keflin 'yon. Ganon nalang din ang pagkalumo ko nang makitang si Franz 'yun na tumatawag.
Ikinalma ko muna ang sarili ko bago sagutin ang tawag. Tumikhim muna ako bago magsalita.
"H-hello, Franz,"
"Asan ka? Guma-gabi na at nag-aalala na kami sa'yo. Kanin pa ang uwian, ah?" Tanong nya sa nag-aalalang boses.
Napa-hikbi ako ng kaunti. "Andito ako sa plaza. Pauwi narin." Sagot ko habang naka-pikit at pinipilit ayusin ang boses para 'di mahalata.
"Ayos ka lang ba? Ba't parang umiiyak ka?" Rinig kong tanong nya.
Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan dahil sa tanong nya. Sana 'di ka na nagtanong.
"Ayos lang, Franz, pero pwedeng favor?" Tanong ko.
"Ha? Anong flavor?" Tanong nya na ikina-irita ko.
"Favor, hindi flavor!" Ani ko. "Paki-sundo ako rito sa Plaza."
"Okay, give me minutes. Papunta na 'ko." Madaling paalam nya bago mamatay ang tawag.
At nung maka-rating sya ay dun ulit ako umiyak. Nag-usap pa kami sa loob ng kotse para pa-gaanin ang loob ko bago kami tuluyang umuwi.