"boss, mukhang 'di kakayanin ni madam Selene, ah." Biro ng trabahante habang nagbubungkal kami ng lupa. Yes! Nagbubungkal rin ako ng lupa! "Hayaan nyo sya. Selene ang sabi ko ay walang magrereklamo 'di ba?" Sabi ni Franz habang nakatayo sa gilid at pinagmamasdan ako. Napa-angat ako ng tingin sakanya. "Oh, bakit nagreklamo ba 'ko? Hindi naman ah. Ang tahimik tahimik ko nga dito." Ani ko at nagpunas ng pawis. Puno narin ng putik itong jumper ko. Kasi naman suot ko jumper na pantalon, long sleeve na polo tapos brown boots. Meron din akong brown na sumbrero 'yung para sa mga Farmers. "Ayusin mo 'yang gawa mo dahil 'di tayo uuwi hanggat 'di maayos 'yung bungkal ng lupa sa linya mo." Sabi nanaman nya. Napasimangot ako ro'n. "Nako madam, mukhang tatagal ka ng isang buwan dito sa farm."

