Wala sa sariling naglilinis ng table si Julianne. Kailangan niya nang alisin ang mga gamit dahil darating na ang bagong ookupa sa opisinang iyon na walang iba kung hindi ang favourite scholar ng ama niya. Minsan gusto niyang magalit dahil mas itinuturing pang anak ni Congressman Posadas si Devon kay sa sa kanya pero wala naman siyang magagawa. Alam niyang disappointed ang ama dahil hindi siya naging lalaki. Mukhang maghahanap na lang siya ng ibang trabaho. Hindi niya rin kayang makasama ang lalaki dahil sa mga sinabi nito. Hindi namalayan ni Julianne na naglalakbay na pala ang isip niya sa nakaraan.
"Julianne, bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Devon nang makitang dumating si Julianne na umiiyak. Naglilinis siya ng kotse noon dahil naninilbihan siya sa pamilya kapalit ng tulong ni Congressman.
"W-wala," paiwas na sagot ng dalaga.
Hinawakan ni Devon sa balikat si Julianne at pilit pinaharap, "Tell me."
"Wala nga. It's none of your business."
"Bahala ka," binitawan ng binata si Julianne. Nagulat na lang ito nang lalong umiyak ang babae.
"Ano ba kasi iyon?"
"Bakit ba kasi umatras ka pa? Sana ikaw na lang ang SK chairman e. Hindi naman nila ako ginagalang. Masyado raw akong mayabang porket nakakotse ako at may bodyguard kapag pumupunta sa SK office. Anong gusto nilang gawin ko? maglakad?"
Muntik nang matawa si Devon pero pinigilan niya. Seryoso siyang tumingin dito, "E, 'di mag-bike ka."
"What? No way!" mabilis na sagot nito. "H-hindi ako marunong."
"Come on, susuko ka na lang ba? Kaya ako umatras dahil may tiwala akong kaya mong maging mabuting chairman."
Saglit na natahimik si Julianne sa narinig, "t-talaga?"
Tumango si Devon, "Kaya mo 'yan. Ipakita mo sa kanilang mabuti kang leader."
Napangiti na si Julianne.
"Sige na, tatapusin ko na itong paglilinis ng kotse, kailangan ito ni Sir Rick," paalam na ni Devon.
"Devs."
Napalingon si Devon.
"P-pwede bang turuan mo akong mag-bike?" nahihiyang tanong nito.
Tumango ang binata, "Sige. Basta dito lang tayo sa loob ng bakuran. Alam mo namang walang pwedeng makakita sa'kin."
Masaya siyang niyakap ng babae, "Salamat. Devon."
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ng dalaga nang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Devon dala ang ilang papeles.
"What are you doing?" nagtatakang tanong ni Devon. Hindi na sila nagkita ulit pagkatapos ilibot ng congressman dahil isinama siya ng matanda sa isang dinner date. Nagulat na lang siya nang makita ito kinabukasan na nag-iimpake ng gamit.
"I'm cleaning the office para makalipat ka na," kaswal na sagot ni Julianne.
"You don't have to. Pwede naman ako sa maliit na office."
"Ayokong magalit si Daddy."
Napabuntong-hininga si Devon. "Julianne..."
"It's fine. Sanay na ako," ngumiti ang dalaga pero nawala iyon nang makita ang hawak na folders ni Devon. "Ano 'yang dala mo?"
"Wala ito," bahagyang binuklat ng binata ang mga papeles, "Files ng Northwood corporation. Gusto ni Sir na basahin ko."
Bahagyang nagtaka si Devon nang natigilan si Julianne, "Bakit?"
"W-wala."
"Hindi mo pa ba nababasa ito?"
Umiling ang dalaga, "Hindi niya pinahawak sa'kin 'yan. He said masyadong importante iyan sa company. I know, wala siyang tiwala sa kakayahan ko."
"H-hindi naman siguro ganoon."
Ngumiti lang si Julianne, "Goodluck sa bagong trabaho. Just call me if you need anything. I'll be in the office next door."
Walang nagawa si Devon kung hindi hayaan ang dalaga. Nawala na rin sa isip niya si Julianne dahil tumawag si Monique.
"Devs, paalis na ako. Hindi mo ba ako ihahatid sa airport?" may himig pagtatampo ang boses nito.
Napangiti si Devon, "Alam mo namang kakaumpisa ko pa lang, 'di ba? Gusto mo bang masisante ako agad?"
"Akong bahala kay Daddy."
Sabay silang natawa.
"Sige na, see you when I come back. Huwag kang titingin kung kani-kanino ha?"
"Kanino naman ako titingin?"
"Malay ko. Sa mga tao sa paligid."
Natawa si Devon, "Just come back. Mamimiss ka."
"I love you too. Alagaan mo ang sarili mo. At ikaw na rin muna ang bahala kay Ate. Masyadong workaholic iyan e. Hintayin niyo lang ako at manggugulo ako dyan."
"I'll wait for you."
"By the way, I sent you an e-mail. Andoon lahat ng information about your brother. Kapag may bagong info, I-memessage agad kita."
"Salamat," nakaramdam ng kaba si Devon. Kumusta na kaya ang kapatid? "Tawagan mo ako kapag nasa U.S. ka na. Salamat talaga, Mon-mon."
"Wala iyon. I love you, bye."
"I love you too."
Nawala na ang boses ni Monique sa kabilang linya kaya pinatay na ni Devon ang cellphone. Iyon ang nagustuhan niya kay Monique. She wasn't selfish at handa siyang tulungan para mahanap ang mga dating kaibigan. Hindi katulad ni Julianne. Napabuntong-hininga siya nang maalala ang babae. Kahit papaano ay naaawa siya dito dahil sa nakikita niyang pagtrato dito ng congressman. Siguradong mas masasaktan ito kung makikita sila ni Monique araw-araw.
"She'll be fine," nagkibit-balikat ang binata. "Makaka-move on din 'yun."
Agad niyang binuksan ang sinasabing e-mail ni Monique. Nakaramdam ng lungkot si Devon nang makita ang mga litrato ng kapatid. Nag-matured na ito nang husto at may dalawa pang anak. Masaya siya at maayos naman ang buhay nito pero nakaramdam siya ng galit nang malamang kakampi nito ang lolo ni Rio Villareal. Ang walanghiyang may-ari ng hacienda na si Rodell Villareal na may dahilan ng pagkamatay ng pamilya.
"Bakit, Wesley?" masama ang loob na tanong ni Devon sa sarili. "Bakit ang dali mong nakalimutan ang lahat?"
Well, hindi magtatagal at kakampi sa kanya ang kapatid kapag nalaman nito ang totoo.
Nakita niya ang litrato ni Rio at hindi niya napigilang lamukusin iyon. Sino bang makakalimot sa pagmumuka ng lalaking ito? Kung hindi dahil dito, buhay pa sana si Rosalie. Kung hindi dahil sa lalaking ito hindi sana mababaling ang pagtingin ni Rosalie sa iba. Nahigit ni Devon ang paghinga at pinigilan ang pagtulo ng luha. Sisiguraduhin niyang pagkatapos niya kay Rodell Villareal, si Rio ang isusunod niya. It should have been him.
"Sir, pinapatawag kayo ni Congressman," bungad ng bodyguard.
"Ganoon ba?" tumayo si Devon at inayos ang sarili. "Sige, susunod ako."
May sariling penthouse si Congressman Posadas sa top floor ng building. Mabilis niyang tinungo iyon. Kakatok na sana siya nang marinig ang galit na tinig ng isang babae.
"You're a f*****g bastard! Hindi ako tatanaw ng utang na loob sa'yo!"
Narinig niya ang pagtawa ng matanda.
"Goodbye, Congressman Posadas."
Nagulat si Devon nang biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang babaeng galit na galit. Pero halatang mas nagulat ito.
"D-Devon?"
Matagal silang nagkatinginan. Kilala niya ito. Si Phoenix, Rosalie's Bestfriend.
"Devon..."
"Miguel, are you there?"
Narinig niyang tawag ng congressman kaya nilagpasan niya ang babae at pumasok sa loob.
"Andito ka na pala," kaswal na bati ng congressman. "Nagawa mo ba iyong pinapagawa ko? Kailangang matapos mo iyon dahil sasama kita sa graduation ni Monique."
"Tapos na po, Sir," ngumiti si Devon at sinubukang itago ang kabang nararamdaman. Nagkunwari siyang walang nakita kahit pa alam niyang alam rin ng congressman na naabutan niya ang pangyayari. Pero deep inside, hindi nawala sa isip niya si Phoenix. Anong ginagawa dito ng best friend ni Rosalie?
"Julianne."
Tumigil sa ginagawa si Julianne nang marinig ang boses ni Devon.
"M-may kailangan ka?" hindi mapigilan ang pagbilis ng t***k ng puso niya.
"May itatanong lang sana ako," seryoso itong umupo sa harap ng table.
"Ano iyon?"
"Kilala mo ba si Phoenix? Tauhan siya ni Congressman."
Kumunot ang noo ni Julianne at matamang nag-isip, "You mean, Phoenix Rivera?"
"Oo nga. Rivera nga yata ang surname niya. Matagal na ba siyang nagtratrabaho sa daddy mo?"
"Halos kasabay mong dumating. Scholar din siya pagkatapos naging secretary ni Daddy. Bakit? Ang alam ko sa baryo niyo rin siya nakatira dati."
"Kilala ko nga siya. Kaya ko naitanong."
Ngumiti lang si Julianne.
"Sige na. Babalik na ako sa office," paalam na ni Devon.
"P-Pwede ba kitang ayaing lumabas mamaya?"
Nagulat si Devon sa imbitasyon ng dalaga.
"Marami rin kasi akong ginagawa e. Mas gusto kong tapusin muna..."
"Please."
Napabuntong-hininga si Devon. "Sige na."
Sa isang parko siya malapit sa coastal road inaya ni Julianne si Devon. Hapon pa lang noon kaya mataas pa ang sikat ng araw.
Naupo si Julianne sa isang wooden bench habang tahimik na tinanaw ang karagatan.
"Ano ba talaga 'yung sasabihin mo?" kunot-noong tanong ni Devon. Mukhang mag-dadrama na naman ang babaeng ito.
"Hindi mo ba talaga ako minahal kahit kaunti?"
Natigilan si Devon sa tanong na iyon. Sabi na nga ba.
"Devon..."
"I don't think you should be asking me that stupid question," seryosong sabi ni Devon. "Girlfriend ko ang kapatid mo. You should act like a good sister kung ayaw mong tuluyan akong lumayo sa'yo."
Napayuko ang dalaga.
"J-just answer my question. This will be the last time na kakausapin kita tungkol dito."
Napabuntong-hininga ang binata.
"I almost like you. Muntik na," pagtatapat ni Devon. "Pero wala na iyon. It was because you were there nung nagluluksa ako sa pagkamatay ng mga magulang ko. Nothing special. Pero lahat nang iyon nawala nung lokohin mo ako at hindi mo ibigay kay Rosalie ang sulat. I shouldn't have trust you. Sana nagkausap pa kami ni Rosalie kung nalaman ko agad na may iba ka palang balak. I will always have this question in my mind. Ano kaya kung nalaman niyang buhay ako? I will always blame you for it. Kaya kung gusto mong maging maayos ang relasyon natin, don't ever ask me this question again. The only reason why I'm nice to you before ay dahil sa utang na loob ko kay congressman. And the only reason na pinakikitunguhan kita nang maayos ngayon ay dahil ate ka ni Monique."
Malungkot na tumango si Julianne. Halatang pinipilit nito na huwag umiyak.
"S-salamat. At least alam ko na. D-don't worry, hindi na kita guguluhin," tumalikod si Julianne at nakita niyang nagpahid ito ng luha. Nakangiti na itong nang muling humarap sa kanya. "Should we go? Ililibre sana kita ng kape pero baka may gagawin ka pa."
"I think we should go."
Tumango ang babae. "Hindi na ako sasabay sa kotse mo."
"Pero wala kang sasakyan." Kotse ni Devon ang gamit nila nang magtungo sa lugar na iyon.
"I have a dinner later with a client. Magpapahatid na lang ako."
"Bahala ka." Tumalikod na si Devon at naglakad papunta sa parking. Naiwan namang nakatulala si Julianne. Pero maya-maya ay tumulo ang masaganang luha sa mga mata ng babae.
Napangiti si Devon nang maramdaman ang mga kamay na tumakip sa mata niya. Agad niyang tinanggal iyon at nakita ang nakangiti babae sa likod.
"I'm ready for my first day," masayang sabi ni Monique. Katatapos lang ng graduation nito at magkasama sila ni Congressman Posadas na pumunta roon kasama ang kapatid ni Congressman Posadas at mga pinsan ni Monique. Julianne was forced to stay para may maiwan sa opisina dahil na rin sa utos ni Congressman. He felt sorry for her dahil hindi man lang nito nasaksihan ang graduation ng kapatid pero mukhang balewala naman iyon sa dalaga.
Monique cancelled her plans at hindi na tumuloy sa training. Mas pinili nitong mag-umpisa na sa opisina ng ama.
"You know you should be professional, right?" tudyo ni Devon.
Natawa si Monique, "Naks, general manager. Hindi naman ako under sa'yo no. Sa ibang department ako iniligay ni Dad."
"You're still under me. Kaya nga general 'di ba?"
"I think it's the other way around," tinitigan siya ni Monique. "you're the one who's under my spell."
Napangisi si Devon at akmang hahalikan ang babae nang biglang bumukas ang pinto.
"Oops, sorry," kaswal na paumanhin ni Julianne. "Dinala ko lang itong mga papeles. You need to sign them, Devon."
"S-salamat," bahagyang inayos ni Devon ang kurbata.
"Nandito ka na pala, sis," nakangiting bati ni Julianne. "Pinaayos ko na ang office mo."
"Talaga? Salamat," nakangiting kinuha ni Monique ang papel mula sa kapatid at ipinatong sa table ni Devon.
"Ayan, magtrabaho ka na," utos ng babae.
"Monique, manager natin siya," natatawang saway ni Julianne. "Baka gusto mong masisante ka kaagad."
"Naku, akong bahala dyan," natawa si Monique na ikinailing ni Devon. "Let's go out for lunch, ate. Alam kong hindi ka pa kumakain."
"N-naku, okay lang. Mamaya na lang ako. Baka may kasabay ka," alanganing tanggi ni Julianne.
"I want to eat with you," tila batang hiling ni Monique.
"Sige na, hindi pa naman akong gutom," nakangiting sabi ni Devon. "Sabayan mo na si Monique."
Walang nagawa si Julianne kung hindi kumain kasabay ng kapatid.
"Kailan nating sasabihin kay Daddy?" tanong ni Monique habang magkasama silang naglalakad sa coastal area malapit sa condo unit ng babae. Inihatid niya ito dahil gusto rin siyang kausapin ni congressman na naghihintay sa condo ni Monique.
"Next week, I'll set up a dinner date," pangako ni Devon.
"Talaga?"
Nakangiting tumango ang binata.
"Ibig ba noong sabihin, nakalimutan mo na si Rosalie?"
Napatigil sa paglalakad ang lalaki.
Kunwari naman ay tumawa si Monique, "I'm just kidding. I know how important she is to you. I don't want you to forget her."
"S-salamat."
"How was your experience working with ate?"
Napatingin si Devon sa kasintahan, "What do you mean?"
"Hindi ba kayo nag-aaway? Mukhang strikto siya e."
Umiling si Devon, "I'm her superior. Hindi niya ako pwedeng pag-initan."
"I'm glad hindi siya masyadong nagdamdam," masayang sabi ni Monique. "I'm happy for her dahil she finally decided to go out with her suitors."
Napakunot-noo si Devon, "May nanliligaw sa kanya?"
Tumango si Monique, "Madami pero isa lang ang gusto niya. Si Kuya Adam. A childhood friend. Baka ipakilala rin niya next week kay Daddy."
"I see," nakangiting tumango si Devon. Mabuti naman para hindi na siya ma-guilty sa pagtataboy rito.
Nandoon ang congressman pagdating nila. Iniwan naman sila ni Monique para ipaghanda ng meryenda.
"I'm glad dahil kasundo mo ang mga anak ko, Devon," masayang sabi ni Congressman. "Sana lang talaga nagkaroon ako ng anak na lalaking maipagmamalaking katulad mo."
Ngumiti lang si Devon.
"By the way, hindi ka muna papasok next week."
Nagtatakang napatingin si Devon sa matanda na naging mailap ang mga mata. Saglit itong lumingon sa pinto kung nasaan si Monique na tila ayaw marinig ang sasabihin.
"I trust you, Devon. Ayaw kong malaman ng mga anak ko ang tungkol dito. But I need you to do something for me. It's a huge mission na may kinalaman sa nangyari sa mga magulang mo."
Kinabahan si Devon sa narinig.