"Sorry, I'm late," apologetic na bungad ni Julianne nang makitang nandoon na si Rio sa coffee shop kung saan nila na pag-usapang magkita. "Okay lang, mayor. Alam ko namang busy ka. Nagpapasalamat rin ako kasi pumayag ka sa invitation ko." Ngumiti lang si Julianne. Mabilis namang lumapit ang waiter at kinuha ang order nila. Tanging ang project lang ang napag-usapan nila. Julianne couldn't help not to admire Rio. Halatang mataas ang pinag-aralan nito pero sa kabila noon, wala itong kayabang-yabang sa katawan at mukhang sincere ang balak na pagtulong. "So, what do you think?" kaswal na tanong ni Rio. "It looks promising," ngumiti siJulianne. "But I still need to consult my team." "Salamat, Mayor. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you to know that this proposal is my own initi

