Lihim na napapangiti si Devon habang isinasalin ang fertility vitamins sa bote ng contraceptive pills. "Devon." Mabilis na itinago ni Devon ang wala ng lamang bote at kaswal na hinarap si Julianne. "Gising ka na pala," nakangiting bati niya. "Ito nga pala 'yung pills na sinasabi ko. Effective daw ito sabi ng kilala kong doctor." Ngumiti rin si Julianne at walang kamalay-malay na tinanggap ang vitamins. "Salamat." "Mag breakfast na tayo," aya ni Devon. "Ipagtitimpla kita ng kape." "Ako na lang..." "Ako na. Magugustuhan mo iyong kapeng binili ko." Walang nagawa si Julianne kung hindi hayaang magtimpla ng kape si Devon. Naupo na siya at nilagyan na lang ng pagkain ang plato ni Devon. Nakangiting pinagmamasdan ni Devon si Julianne habang iniinom ang kape. Sana lang totoong effective

