Kasalukuyang nasa trabaho si Devon nang tawagan siya ni Monique. Nagtataka namang sinagot iyon ng lalaki. Matagal na rin silang hindi nakakapag-usap nito. "Devon, kailangan ko ang tulong mo," halata ang panic sa boses ng babae. "Anong tulong?" Kunwari'y tanong niya kahit pa may hinala na siya kung anong kailangan nito. "Nawawala ang anak ni Ate Julianne. I need your help. Ang hinala namin ay isa sa mga kalaban niya sa politiko ang kumidnap sa bata." Hindi nakasagot si Devon. Kung alam lang ng mga ito. "Ako na ang nagmamakaawa. Kailangan ako ni Ate Julianne kaya hindi ako masyadong makakilos. She's in the hospital at wala sa sarili. Tulungan mo akong maibalik ang anak niya. Please, for old time sake." Napabuntong-hininga si Devon, "titingnan ko kung anong magagawa ko." "Salamat." Pa

