"Ate!" Napalingon si Julianne nang makitang masayang kumakaway sa labas ng pinto si Monique. Sabik siyang lumapit sa kapatid at mahigpit itong niyakap. "Buti na lang naabutan kita," masaya rin siyang niyakap ni Monique. "Aayain sana kitang lumabas 'e." "Ha?" napansin ni Monique na tila nag-aalangan si Julianne. "May lakad ka ba? Akala ko kasi day-off mo ngayon e." "Sana," ngumiti si Julianne. "But it's okay. Gusto mong sumama sa amin ni Devon?" Napawi ang ngiti ni Monique. "Mon-mon..." "Kayo na ba ulit?" "Sabi niya kasi mahal niya ako..." Pagak na natawa si Monique, "Sabi niya rin noon mahal ka niya, 'di ba? Pero anong ginawa niya?" Hindi nakakibo si Julianne. "Ate, ilang beses ka bang kailangang lokohin ng taong 'yun para matauhan ka?" "Mahal ko si Devon," malungkot na sabi

