"Julianne..." kasalukuyang kinakatok ni Perrie ang kwarto ni Julianne dahil ilang araw na itong hindi lumalabas ng kwarto. Noong una ay hinayaan lang nila ito ng mga kasambahay dahil alam nilang gusto nitong mapag-isa pero hindi man lang ito lumabas para kumain. Nagpasya na si Perrie na katukin ito at baka kung ano na ang ginawa sa sarili. "Julianne, buksan mo ito, please," hiling ni Perrie. Nagulat siya nang maya-maya ay bumukas ang pinto. Julianne was pale pero mukha namang maayos ang babae. Bahagya siyang natigilan nang makitang nakabihis ito at mukhang aalis. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang pagkain sa side table nito. "Hi, Perrie," matamlay itong ngumiti. "Pasensya ka na kung ngayon lang ako lumabas ng kwarto." "Julianne, k-kahit wala na kayo ng kaibigan ko, I want you

