Halos maiyak siya sa nabasa niyang mensahe mula sa lalaki. [Greta, Alam ko na pinaasa kita noon but God knows na minahal kita at may puwang sa puso ko na nakalaan para sa iyo. I will leave tomorrow. Masyado akong nasaktan sa nakita ko. Alam ko rin na deserve ko ang naramdaman ko. But after your friend talked to me and told me everything, mas lalo akong nawalan ng mukha na ihaharap sa iyo. I am an idiot, Greta. Pasensya ka na kung hindi na ako magpapakita pa sa iyo. Its all my fault . Masyado akong nadala ng emosyon. Nagselos ako na hindi ko man lang inalam ang totoo. This time, aalis na ako sa Pinas to fix myself and try to build courage in my heart upang sakaling magkita tayong muli ay kaya na kitang harapin. Take care of the children, wala rin namang papayag na na sumama sa akin. Mas

