Maalikabok ang shop. Kinuha niya ang pamunas at sinimulan niyang alisin ang mga alikabok na nasa transparent glass na dingding. Wala pa namang kustomer dahil sobrang aga pa. Hindi niya pinapasok ang anak niya sa eskuwela dahil natatakot siya na baka makipagkita na naman ang ama nito rito. Batid at ramdam niya na nais na ni Megumi na mas makilala pa si Parker kaya ay habang mas maaga pa ay dapat na niyang harangin ang hangarin ng anak niya. Alam niyang mali, subalit ginawa niya iyon upang maputol na ang koneksyon niya sa pamilya Sherlock. Hindi niya hahayaang mapalagay ang loob ng bata sa ama nito. Napasinghap na lamang si Greta nang naalala niya ang maling desisyon na ginawa niya. Pelaez na lang sana ang apelyidong pinadala niya sa bata at hindi ang apelyido ng ama nito. Hanggang mag

