Umaga na pala. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras dahil siya ay nakatulog matapos siyang lumuha nang marami. Sa halip na umahon mula sa kamang kinahihigaan niya ay tumagilid siya at tumalukbong pa. Masakit ang kaniyang katawan. Pati ang ulo niya ay halos mabasag na dahil sa sakit. Parang tinutusok ng karayom ang gilid ng kaniyang ulo. She sighed a few times but that thing doesn't change how she feels physically. Napasapo na lamang siya sa kaniyang noo nang maalala ang katarantadahang ginawa niya kagabi. "Puta," mura niya nang lumantad sa isipan niya kung paano siya pumangibabaw kay Nate at kung paano niya inakit ang lalaki. Muli siyang bumuga ng hangin bago inalis ang kumot na tumakip sa buong katawan niya. Pumikit siya nang mariin ay agad siyang sumipa-sipa sa ibabaw ng ka

