Parang kailan lamang ay isang malaking tubo sa ibabaw ng entablado ang kinakapitan ni Margarita Pelaez o mas tanyag sa pangalang Greta habang sumasayaw para sa sandamakmak na kalalakihan. Ginawa niya ang lahat upang mapanatili ang sikat na imahe, noo’y isa siyang sellable prostitute sa bar kung saan siya nagbebenta ng aliw. Hindi niya inakala na ang noo'y malaking tubo na kakapitan niya ay napalitan ng isang matibay na braso, brasong hindi siya sasaktan kun'di aalalayan siya, hindi lamang habang sila ay marahang naglalakad sa ibabaw ng pulang alpombra patungo sa altar kung saan naghihintay ang pari na siyang magkokonsekra sa kanilang kasal kun'di aalalayan sa bawat hamon ng buhay na darating. Pareho silang nakangiti subalit ang mga luha ay pumaibaba sa mga mata nila ng lalaki. Huminga s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


