Ngayon niya lang napansin na medyo blurry na ang paningin niya. Damn it! Ngayon lang umepekto sa kaniya ang ilang bote ng alak na ininom niya. Walang-imik ang babaeng nakasandal sa pinto. Bakas sa mukha nito ang magkahalong takot at inis nito sa kaniya. He was asking himself, ano ang nagawa niyang mali sa babae? Tumayo siya at kinuha niya ang upuan at agad niya itong pinuwesto sa tapat niya. "Woman, come here," tawag niya sa babae. Narinig na niya minsan ang pangalan ng babae pero hindi lang siya tiyak kung ano ito. Honestly, paramg gusto niya itong tawaging ‘Angel’ dahil sa mukha nito. Para naman talagang anghel na bumaba mula sa langit ang babae. He hated this woman because that was what Lish Anne told him to do. Wala siyang alam tungkol sa babae. Ang mga impormasyon na alam ni

