Sumugod sa ospital si Megumi. Nasa isang pribadong silid ang bata dahil sa tulong ni Nate. Hindi mapakali si Greta. Gusto niyang humagulhol pero wala na siyang luha na maipalabas myla sa kaniyang mga mata. Mabuti na lang dahil agad na nadala ang anak niya patungo sa bahay-pagamutan. Nakaupo si Greta ngayon sa tabi ng anak niya habang ang dalawang kamay ay parehong nakatukod sa magkabilang bahagi ng kaniyang noo. She stood up as she felt uneasy. Para bang nalilimutan na niyang huminga nang malalim. Megumi was never put to situation like this kaya naman ay halos mabaliw si Greta. Tinanaw niya ang kaniyang anak. Walang-malay ang bata at maraming aparatus ang nakakabit sa kaniya. Hindi batid ni Greta ang gagawin niya. Ang puso niya ay para bang pinipiga dahil sa kaniyang napagmasdan. Kun

