Kung hindi pabalik-balik si Greta sa dalawang direksyon ay tiyak na nasa gitna na siya ng EDSA dahil kanina pa siya lakad nang lakad. Puno ng pag-aalala ang puso niya. Sa katunayan ay halos sasabog na ang ulo niya sa sakit nito. Napagod siya dahil marami silang delivery ni Lexi ngayong araw. Ang pinakamalapit ay Antipolo. Pawis na pawis siya at ilang beses na rin siyang napamura. "Humanda talaga sa akin ang hayop na lalaking iyon mamaya! Wala siyang karapatan sa anak ko!" banta niya. Halos mamatay siya sa pag-aalala samantalang ang lalaking iyon ay nagpakasasa kasama ang anak niya. Hindi puwedeng maglapit ang dalawa dahil mapapahamak lamang sila ng anak niya. Napatitig siya sa kotseng paparating. Hindi siya nagkamali na ang lalaki nga ito. Unang bumaba ang lalaki at pinagbuksan nit

