Sa panahon ngayon. Babae na ang gumagawa ng first move. Huwag kang tatanga tanga. Sabi nga nila, kung may tiyaga, may nilaga.
"Kaibiganin mo tutal dyan ka naman magaling diba?"
"Nahihiya ako eh"
"Saan ka dadalhin ng hiya? Kung palagi ka nalang ganyan hindi ka niya mapapansin. Lukaret ka sa gwapo niyang yan madami ang naghahabol."
"Kaya nga eh."
"Maki IN ka nalang."
"Edi mas lalo niya akong hindi papansinin. Aakalain niya lang na isa ako sa mga die hard fans niya."
"Sinabi ko ba na magtititili ka tulad nila?"
Sabay turo sa mga babaeng haliparot na tumitili dahil paparating na ang prince charming ko.
"Dustin marry me" hiyaw ng isang freshman
"I love you Dustin I'm forever yours" sigaw naman ng iba pa
"We'll suck you Dustin" ayaw ko nang tingnan kung sino ang sumigaw non.
"Gross" Ana
"Hahahahaha..hayaan mo na nga sila. Talagang hindi ako tutulad sa kanila" sabay turo ko din sa mga yun.
"Sheca kung gusto mo mapansin ka niya, kaibiganin mo siya. Medyo dumikit ka sa kanya parang fans niya kaso iba ka nga lang."
"Paanong iba? May sariling agenda ganun?"
"TUMPAK!"
Narinig namin ang tunog ng bell, hudyat na ng pagsisimula ng klase.
"Usap nalang tayo after class. Bye Sheca"
"Bye Anabanana..haha"
________________________________
Studyante palang ako kumekerengkeng na. Ano ba naman yan. Ako nga pala si Sheca Montelebano. Third year college. At yung kanina? Si Dustin Rosenthal naman ang aking prince charming. Fourth year college. Mr. Popular ng school namin.
Birthday party ng classmate ko na hindi ko close nung una ko siyang makita. Noong dumaan si Dustin sa harap ko naimbento ang love at first sight. Noong nag smile siya sa akin. Shocks! doon nauso ang killer smile.
High school palang ako nun ah. Kaya naman sinundan ko talaga siya kung saan siya mag co-college. Kaya heto ako ngayon sa Eastwood Academy. Muntik na akong hindi makapasok dito dahil alam niyo ba ang requirements? Leche may ganun dito
1. Mayaman
2. Matalino
3. Magandang lalaki/babae
Yung one pasado ako, yung two muntik nang sumablay, hindi naman kasi ako matalino pero para kay Dustin nagpakadalubhasa talaga ako. At yung three, mabuti at nandiyan ang kaibigan kong si Ana, ginawa niya akong tao.
Pero syempre, hindi totoo yang mga yan. Wala namang ganung unuversity, sa w*****d lang nag e-exist yon.
Ah muntik ko na palang nakalimutan si Ana Falcon. Kaibigan ko. Naku perfect talaga siya. Madaming mga bagay bagay na pareho kami ng hilig kaya nagkasundo kami kaagad. Lahat nga ng secrets ko alam niya.
Tama si Ana kanina. Kung hindi ako gagawa ng move, hindi ako mapapansin ni Dustin.
__________________________________
"Ano kaya, daanin ko nalang kaya sa landi? Landiin ko nalang kaya siya?"
"Rule #1. Madami nang nanlalandi kay Dustin, hindi naman niya pinapansin diba? Kaya dapat gumawa ka ng bagay na hindi pa niya nakikita sa isang babae. Kailangan maging simple ka. Act like an innocent angel sa harapan niya." -Ana
"Okay check"
"Gawin na muna natin bukas ang rule #1 tingnan natin kung effective."
"At kung effective?"
"Itutuloy natin ang rule #2"
"Ano ba ang rule #2?"
"Saka mo nalang malalaman kapag nagawa muna yung una"
"Ah ok."
"Bukas ha. I'll be watching you."
___________________________________
Talagang hindi nagbibiro si Ana.
"Itutulak kita sa kanya. Act like a normal girl an innocent one. Kunwari hindi mo sinasadya"
"Baka lalo siyang maasar"
"Mabait si Dustin"
"Playboy siya hindi mabait"
"Mabait siya tested ko na yan"
"Tsch parang kilala"
At ayan na paparating na siya. Ususual ang dami nanamang babaeng linta ang nakapaligid sa kanya.
At tinulak na nga ako ni Ana. Gaga talaga yun. Tinulak nga niya ako pero hindi naman sumakto kay papa Dustin ko!!!!!!!!
"Girl Sorry"
"Aray ko naman. ANA GRABE KA HA"
Nauntog kasi ako sa may locker. Bwisit.
"Ayan tuloy pano na? Nagkabukol pa ako. Ikaw ha may utang ka sa akin. Sabi ko naman sa iyo landiin ko nalang."
"Aber paano mo siya malalandi eh mas mahusay nga siyang manlandi? Oo na. Mag iisip nalang ako ng bago. Sige bye tetext nalang kita"
_________________________________
Kaasar ang sakit ng ulo ko dun. Nahihilo tuloy ako. P.E na namin at kailangan ko nang magbihis. Kaasar masakit pa ang ulo ko tapos dodge ball pa yung gagawin mamaya. 3rd year na ako pero pambata pa din ang P.E walanjo. At nandito na din ako sa wakas. Kaslukuyan nang ginaganap ang dodge ball, sa kabilang team ako. Kami yung tatamaan ng bola.
"GRABE MAY GALIT BA KAYO SA AKIN?!!!!"
Dalawa nalang kaming natitira pero ako lang ang tinatamaan nila.
"Hahahahahaha" rinig kong hagikgikan nung apat na demonyitang babae na bumabato sa akin.
May kaaway nga pala ako dito. Mga insecure kasi. Ah may gusto din pala sila kay Dustin. Aila, Mitch, Pamu, Bam at Ella. Si Mitch ang pinaka leader nila.
Bwisit talaga tong mga to. Mamaya darating na sila Dustin dito sa gym kasi sila naman ang gagamit. Kapag nakita niya ako naku nakakahiya.
Buti at pumito na yung teacher namin. Ibig sabihin end na ng class namin. At ang susunod ay ang higher class.
Pumunta na akong cr para mag shower. Grabe ang lagkit ko. Ewwwww..
Masyado ata akong nasarapan sa pag shower kaya hindi ko na napansin ang oras. Nakatapis lang ako ng towel ko at pagbukas ko ng locker ko.....
Asan yung damit ko? 5pm na tapos na ang P.E nila Dustin. May nakita akong note Looking for uniforms? Get it in the basketball ring..Goodluck
CIAO~
Waaahhhh Tengene sino ang nanggagago sa akin! Hindi kaya sila Mitch?
Kailangan ko nang mabihis giniginaw na ako. Wala naman nang tao dito sa gym tapos na ang P.e ng 5pm. For sure yun
Silip dito..silip doon Katakot. Waaahhh ayun yun damit ko! s**t s**t s**t paano ko kukunin yun?
"Yah..Kaasar bakit ba kasi ang hirap naman abutin."
"S-Sino ka? A-anong ginagawa mo dito? B-bakit ka naka-------"
Lumingon ako kaagad sa nagsalita
Inuutusan kong bumuka ang lupa at tuluyan akong lamunin!!!
"D-dustin?"