" Cas " napalingon siya sa nagmamay-ari ng tinig.
Simula ng magising siya ay dito na siya namalagi. Sa isang apartment na tinitirhan daw niya noon.
" Ley sa tingin mo ba maaalala ko pa ang lahat "
Tanong niya rito habang nakatingin sa larawan na nakadisplay sa isang shelf.
Kitang kita doon ang mapustura niyang anyo. Malayong malayo sa itsura niya ngayon. Ang Cassandrang nasa larawan ay nababakasan ng isang matapang na babae.
Hapit sa katawan ang lahat ng damit na isinusuot nito. Kitang kita ang bawat kurba ng katawa. Punong puno din ng kuloreta ang mukha nito.
" Ley sino nga ba sya? Bakit lahat ng tao galit sa kanya "
" look Cas I know you forgot everything but you need to do your job "
Si Ley daw ang bestfriend niya at ang manager niya. Ang sabi nila isa daw siyang model sa mga magazine na hindi pa rin naman gaanong kilala.
" you want to be famouse right?" Nakangiting tanong nito sa kanya.
Kunot noo siyang tumingin rito.
" I don't remember anything at hindi ko rin alam kung ano ang gusto ko" hindi familiar sa kanya ang lahat ng nasa apartment na ito.
Naglakad siya papasok sa isang silid. Sumalubong sa kanya ang sobrang bagsik na pabango dahilan para mangati ang ilong niya.
Kunot noong tumingin siya rito.
" you don't like it, nilinis ko ang kwarto mo at inispray ko ang gusto mong pabango, I just think na makakatulong yon para bumalik ang memory mo "
Tinakpan nalang niya ang ilong niya at tumuloy papasok sa loob. Nakapintura ng puti at pula ang buong silid.
" you love red " nakangiting sambit pa nito sa kanya sabay punta sa isang kabinet. Kaagad naman nitong binuksan ang kabinet. Mula roon ay bumungad sa kanya ang mga damit na hindi niya maintindihan kung paano niya naatim na suotin.
" maikli " mahinang komento niya habang pinagmamasdan ang isang maikling damit na kinuha niya sa loob. Pakiramdam niya ay kapag sinuot niya iyon ay mahuhubaran na siya.
" the shorter the better, iyon ang lagi mong sinasabi noon Cas "
Kunot noong binalik niya ang damit sa kabinet.
Naagaw ang atensyon niya ng isang box na nakasuksok sa dulo ng kabinet. Kaagad niya iyong kinuha at binuksan. Bumungad sa kanya ang isang lumang larawan.
" we look a like " mahinang sambit niya habang pinagmamasdan ang larawan ng dalawang bata na may parehong mukha at kasuootan.
Sunod sunod niya tinitignan ang mga larawan hanggang sa dumako na ito sa pinakabagong kuha.
Kaagad niyang kinapa ang peklat niya.
" ikaw ang may sugat at ang kakambal mo ang wala, kung hindi nga lang sa pagkakaiba ng ugali nyo at galaw pati na ang peklat na iya, kahit ako hindi ko kayo makikilala " kinuha nito ang larawan sa kanya at pinagmasdan.
" kaya lang may pagkasaangel ang kakambal mo at ikaw tinubuan yata ng sungay at buntot " binalik nito ang larawan at kinuha sa kanya ang buong kahon.
" paano kung hindi pala ako si Cassandra? "
" Gaga nagkaamesia ka lang lumala ka na, alam ko ng matagal mo ng pangarap yan Cas but the reality is hindi ikaw ang kakambal mo, yang peklat na iyan ang patunay "
" but I don't recall anything from this apartment "
Napakamot nalang ito sa ulo.
" ewan ko sayo, may pagkabobita ako pero hindi ako ganon kashunga alam ko naman kung ano ang amnesia no, natural wala kang maaalala "
Tumayo siya at tinignan uli ang maliit niyang kwarto.
Dumako siya sa may lamesa at mula roon ay may makatayong isang picture frame.
" tuwang tuwa ka sa picture na iyan dahil iyan lang ang picture na kasama mo ang magulang mo "
Kitang kita nga niya ang saya sa mukha ng batang Cassandra. Siguro ay mga nasa sampung taong gulang lang ito.
" hindi sya close sa parents nya "
Kunot noong tanong niya rito.
" gaga natural, sino bang matutuwa sayo kung kulang nalang ay patayin mo ang kakambal mo, kung ako lang din ang magulang mo baka matagal na kitang binaon "
Binalik niya ang frame at tinignan ito sa mata.
" ganon ba ko kasama?"
Napairap nalang ito sa kanya at natatawang tumingin sa kanya.
" kung hindi lang kita mahal friend baka matagal na kitang iniwan, umupo ka nga dito " tinapik nito ang space sa tabi nito.
Kaagad naman siyang sumunod.
" look Cas alam kong wala kang naalala sa lahat ng kagagahan mo but remember saksi ako kung paano ka nagpakabaliw sa asawa ng kakambal mo at ito lang ang sasabihin ko sayo Cas don't let your self near him dahil siguradong mapapatay ka non sa galit sayo "
Naalala niya ang nangyari sa sementeryo. Kung paano siya nanginig sa takot rito.
Buti nalang at nagawa pa niyang makalayo.