CHAPTER 3

999 Words
" ok one take, look at the side, ok good shoot " " thank you " nakangiting pasasalamat niya sa camera man. She's wearing a red night gown na minomodel niya para sa isang mumurahing brochure. Hindi pa ganong kilala ang clothing line kaya mura pa ang bayad sa kanila. " your gorgeous at always Cassandra, ewan ko ba sayo kung bakit ayaw mong tanggapin ang malalaking offer sayo, you have the face the body " " Whe just here to earn some money Carlos you know that " sabat naman ni Ley rito. Binigyan ako ng puting roba ni Ley para ibalot sa katawan ko. " Look Cassandra kahit anong gawin mo hinding hindi ka magiging kagaya ng kakambal mo, kahit magpakaguro ka pa" She don't feel any pain on what he said dahil wala naman siyang maalala sa sinasabi nito. " Carlos salamat sa trabaho pero hindi na kami papayag sa susunod kahit anong pakiusap pa ang gawin mo, Let's go Cas you need to change " Sumunod lang siya kay Ley sa isa dressing room. Pagkasara ng pinto ay gigil na gigil na sumisigaw si Ley sa loob. " ok lang Ley mas maganda mga siguro na wala akong maalala because I can't feel anything " Kitang kita ang awa sa mga mata ni Ley. " we don't have a job naymore Cas " " ayaw ko na rin ng trabahong ito Ley, I will find a decent job yung may kita buwan buwan, kaya lang kaylangan mo kong tulungan sa resume ko because I don't know what to write " " sabagay mukhang hindi na rin naman tayo kokontakin ni Carlos, ewan ko ba sa baklitang iyon palibhasa kasi yung last na boylet non nakipagbreak sa kanya nung makita ka, kaya insecure talaga yon sq beauty mo " Napangiti nalang siya at napailing dito. " kaylangan ko ng magpalit Ley " " ay oo nga pala " kinuha nito ang damit na suot nya kanina papunta rito. " pagbanagkakaamesia ka pati ba taste mo sa pananamit nag-iiba rin?" Kunot noong tanong nito sa kanya. Madalas nya kasing suotin ang maluwang na mga t-shirt at pantalon. " what if I'm not Cassandra?" Diretsong tanong niya rito. Napairap nalang ito at tumitig sa kanya. " Cas nagkaamesia ka na't lahat lahat ang ilusyon mong maging ang kakambal mo hindi mo pa rin nakakalimutan " " we are identical Ley, scars lang ang pagkakaiba namin " " at peklat na iyan ang syang patunay that you are Cassandra and I'm your one and only family " Hindi nalang siya kumibo at nagpalit nalang ng damit. Patuloy namang inayos ni Ley ang ibang gamit nila. " wag muna tayong umuwi Ley magikot muna tayo sa paligid baka may hiring sila ng waiter ngayon o kahit ano pang trabaho " Napahinto naman ito sa pagzipper ng bag nila. " sigurado ka talaga sa gusto mong gawin Cas?" " oo naman, kaylangan may gastusin tayo sa araw-araw hindi naman pwedeng umasa lang ako sa iyo " Nakangiting sambit niya rito. Tinuloy na nito ang pagsara sa zipper ng bag. Binuhat nito ang bag at lumapit sa kanya. "Let's go " nakangiting sambit pa nito. Tamango naman siya at sabay silang lumabas, nadatnan pa nila ang ilang crew na naglilinis ng mga gamit nila. Nagpaalam nalang sila sa mga ito at tuluyan ng lumabas sa gusali. Sumalubong sa kanila ang maingay na mga sasakyan. " pwede bang kumain muna tayo Cas " paawang sambit nito sa kanya. Napangiti nalang siya rito. Ngayon nya lang din naalala na wala pa pala silang kinakain na dalawa. Hindi kasi siya kumain kanina para lumabas na maliliit ang tiyan niya. " let's go" Masaya naman itong kumapit sa kanya at naglakad na nga sila para maghanap ng kakainang karinderya. Sa hindi naman kalayuan ay kaagad din silang nakakita ng kakainan. Mukhang matagal na ang carinderia at dinudumog pa ng mga tao. Pumasok sila sa loob at sumalubong sa kanila ang isang tao na parang nakakita ng multo ng makita siya. " Nanay Pasing, nanay pasing " tarantang tawag nito sa kanila. " Cas busog na pala ko wag na tayo ditong kumain " bulong sa kanya ni Ley. Napalingon naman siya sa katabi at kitang kita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. " why?" Akmang hihilahin na siya nito ng lumabas mula sa kusina ang isang matandang babae. Kitang kita din ang gulat sa mga mata nito at mas kinagulat niya ang pagbagsak ng mga luha sa mata nito. Nanginginig itong lumapit sa kanya. " bu..buhay ka " hindi makapaniwalang hinawakan nito ang kamay niya. " ta .tama ako buhay ka, ako ang nagpalaki sayo bakit hindi kita makikilala " Kahit wala siyang maalala ay ramdam niya ang pangungulila at lungkot. " Xandra apo buhay ka apo ko " tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha nito habang nakatingin sa mukha niya. " nagkakamali po kayo ale, aalis na po kami " akamang hihilahin siya palayo ni Ley pero hindi siya nagpatianod rito. " ano pong ibig nyong sabihin?" " pagbalik ko sa hospital wala ka na, pinipilit nila na hindi daw ikaw yan apo pero hindi nila ako pwedeng lokohin kahit na magpalit ka pa ng anyo, kahit na iba pa ang mukha mo makikilala kita dahil hindi man kita kadugo pero ako ang kasama mo simula ng maliit ka pa, ako ang nagpakasakit at bumuhay sayo apo bakit kita hindi makikilala, ayaw nila akong paniwalaan pero sa puso ko alam kong ikaw iyan " Niyakap siya ng mahigpit ng matanda. Kusa ding gumalaw ang mga braso niya para yakapin din ito pabalik. " wala po akong maalala " " wala akong pakialam doon apo ang importante buhay ka, kung ayaw nila sayo ako kukumkupin kita, wag ka na uling aalis sa tabi ni lola " Umiiyak na tumango siya. Kaylangan nilang mag-usap ni Ley dahil may napagtanto siya. Dahil kung siya nga si Alexandra alam niyang alam din ni Ley ang bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD