"Yes, I'm still alive,"nakangising saad ko sa kanila. "D-di ba, sumabog ang sinakyan mong eroplano, nakita pa nga ang sunog mong katawan,"ani Valerie. Dahan-dahan akong lumapit sa upuan kung saan nakatali si Valerie. "Hindi kasi ako tinanggap ni satanas, sabi niya hindi daw ako nababagay doon, kaya bumalik ulit ako dito sa lupa dahil may sisingilin pa ako,"hinawakan ko ang kanyang buhok.Panay naman ang piglas niya. "Huwag mo hawakan ang anak ko!"sigaw ng asawa ni General. Lumipat ang tingin ko sa kaniya. "Eh ang asawa mo puwede ko ba hawakan?"nakangising saad ko sa asawa ni General. "Kababae mong tao napakabastos mo! Parang wala kang pinag-aralan!" Tumawa naman ako. "Ginagamit ko lang ang pinag-aaralan ko sa tamang taong kaharap ko, sayang mataas pa naman ang tingin ko sa iyo, pe

