Dumaan muna ako sa Mall, matagal na rin na hindi ako gumagala.Wala pang masyadong tao, tumitingin tingin lang ako ng mga aklat, bibili ako at ibibigay ko kay Zen. Pagkatapos kong bumili ng dalawang pirasong aklat, papunta na ako sa isang toy store,napatigil ako ng namataan ko ang isang babae na namimili ng damit,nakasuot ito ng t-shirt at Lumang pantalon,naka sumbrero din ito. Fuck! Mariel?! Agad akong lumapit dito. "So,buhay ka nga talaga!"- Nanlalaki ang mga mata niya na nakatingin sa akin. "Anong klaseng laro mo,Mariel?"-nakangising tanong ko sa kan'ya. Tumalikod ito at aalis sana. "Alam ba ni Damon na buhay ka?alam mo bang asawa na ni Damon ang kapatid mo?alam mo bang sinasaktan ni Damon si Mary dahil sa putang ina na ginawa mo?!"-nagpupuyos na sunod sunod na tanong ko sa ka

