Naligo muna ako at pupunta ng Underground.
Nagsuot na lang ako ng black sando at short shorts,pinarisan ko ito ng boots.
Kinuha ko muna ang baril ko at bumaba na.
Dadaan muna ako sa company ni Kiel.
"Zen , aalis ako,sa condo na ako matutulog"-
"Sige po ate,ingat "-
Dumiretso na agad ako sa aking sasakyan.
Mabilis kong pinatakbo ang kotse patungo sa company ni Kiel.
Pagdating sa company,pinark ko muna sa ayos ang aking sasakyan.
Sinuot ko ang aking Jacket at nilagay ko sa aking tagiliran ang baril.
"Good afternoon , manong Guard"-nakangiti na bati ko sa Guwardiya.
"Good afternoon Ma'am ,ano pong atin?"-
"Si Kiel Harrison po?"-
"Ma'am may appointment kayo?"-
"Wala eh, pero Kaibigan niya ako"-nakangiti na sabi ko.
"Ma'am wait lang ,tatawag lang ako sa secretary ni Sir Kiel"-
"Manong ,pakisabi Zia Santiago po ang pangalan ko"-
"Ah okay po Ma'am"-
Umupo muna ako sa isang bakanteng upuan.
Malaki ang Kompanya ng Harrison dito.
Si Kier meron siya ng kanyang sariling company.
"Ma'am Zia,akyat daw po kayo"-
Ngumiti ako dito.
"Thanks manong,may meryenda ka sa akin mamaya"-kumindat ako dito.
Pumunta na ako ng Elevator at may mga kasabay ako ,5 babae at 3 lalaki, lunch break yata nila.
Pipindutin ko sana ang 10th floor pero doon din ang patungo ng mga kasabay ko sa elevator.
Ngumiti ako sa kanila dahil titig na titig ang mga ito sa akin.
"Hola"-bati ko sa kanila.
Ngumiti naman sila sa akin.
"Ang Ganda mo po sobra"-sabi ng isang babae na nakasalamin .
"Ohh.. thank you"-kinindatan ko ito.
Tumunog na ang elevator,nasa 10th floor na kami.
Dumiretso agad ako sa secretary ni Kiel.
"Hey,si Kiel?"-
"May kausap pa siya"-sagot ng sekretarya ni Kiel na patuloy lang ito nagbabasa ng mga nakasulat sa bond paper.
"Sino kausap niya?"-
Tumingin ito sa akin.
"Kayo po ba ang tinawag dito ng guard na nasa baba?"-
"Yeah"-
"Ma'am , it's still a working hour pa po!"-
"Galit ka?"-
"Nag sasabi lang po"-
"Do you know that I valued my time?kapag hindi ako kinausap ng boss mo,lahat kayo dito mawawalan ng trabaho"-nakangising saad ko sa kanya.
"W-Wait lang po, pupuntahan ko muna si Sir Kiel"-
Tumalikod na ito at pumasok sa office ni Kiel.
Maya maya lang bumalik ito.
"P-pasok na po kayo"-
"Thanks"-
Pinihit ko ang pinto at naabutan ko si Kiel na may kausap na babae.
Napataas ang kilay ko dito.
"Val,mamaya na lang tayo mag usap,susunduin kita around 6pm sa dinner natin"-ani ni Kiel na inalalayan pa ang babae.
Dumiretso na ako sa Sofa at umupo.Nakatingin lang ako sa kanila.
"Sige,see you later"-saad ni Val ,na tawag sa kanya ni Kiel.
Hinatid pa ito ni Kiel palabas.Maya maya lang bumalik na ito.
"Ano Kailangan mo?"-agad na bungad niya sa akin.
"Hindi mo man lang ako kamustahin?"-nakangising saad ko dito.
"Kamustahin?sa dami na mga kalokohan na pinanggagawa mo sa akin!"-
"Hoy,grabi ka naman,ano ba ang ginawa ko?-
"Really, Ziandra?! nawawala ang pera ng Kompanya ko at pati mga investors ko,nagsi atrasan na!"-
"Masama mag bintang Kiel!"-
"Huwag muna bilugin ang ulo ko Zia, isusumbong kita kay Tito Zeus!"-
"Hoy,huwag magagalit si Daddy sa akin,saka ibabalik ko na pala ang pera mo "-Ubod tamis akong ngumiti dito.
Ang kinakatatakutan ko talaga ang Daddy ko.Si Daddy ang batas sa bahay,pero paglabas ng bahay ,of course nasa akin ang batas.
"May sasabihin ka pa ba?dahil may gagawin pa ako"-
"Date tayo Kiel"-
"May dinner Date ako mamaya!"-
Napangisi ako.Tingnan lang natin kung matutuloy ang dinner date mo.
"Okay,si Damon na lang e date ko"-saad ko dito at tumalikod na.
Pupunta na lang muna ako ng Underground.
Pagkalabas ko ng pinto, Lumapit ako sa sekretarya ni Kiel.
"Sino ang babaeng iyon?"-
"Si Maam Valerie Cruz po"-
"Okay,mas maganda pa rin ako"-
Tumalikod na ako dito at bumaba na.
Pagdating ko sa gate Lumapit muna ako kay manong Guard.
"Manong pang meryenda niyo"-inabutan ko ito ng dalawang libo.
"Maraming salamat Ma'am Zia!"-
"Your welcome"-kinindatan ko ito at pumunta na sa parking lot.
Pinaharurot ko kaagad ang kotse ko.Ilang buwan rin na hindi ako nag paparamdam sa underground dahil nga kung saan saan ako naka distino.
Pagdating sa underground agad na ako pumasok, Hindi ko na binigay ang baril na dala dala ko,isa ako sa malaking stock holder ng Black underground.
"Hola!"-bati ko sa kanila.
Nandito rin si Jenny,si Kier, Drake at Bry.
"Drake,Bry,kamusta ang mga babaero?!"-
Umirap lang ang dalawa sa akin.
Wala yata si Geo.At si Bea naman nag asawa na pala at isa sa mga kaibigan ni Kuya Zack ang napangasawa.
"Musta ang patay na nabuhay?"-nakangising tanong ko kay Jenny.
"Ito may pagkapusa pa rin"-ngising saad niya sa akin.
Umupo ako sa tabi ni Kier.
"Binalik ko na ang pera ni Kiel"-saad ko.
"Ano naman ba ginawa niya na ganun ang ginanti mo?"-
"Wala,ganun lang ako magmahal"-
Napapailing na lang si Kiel.
"Z ,tara samahan mo ako"-
Tumingin ako kay Jenny.
"Saan?"-
"Basta"-nakangising saad niya.
"Bye, Boys"-saad ko sa tatlong lalaki.
Tumayo na kami at lumabas.
"Kotse ko na gamitin natin"-ani ko sa kay Jenny.
"Sige,samahan mo ako sa bahay ni Garret"-
"Alright,"-
"May trabaho ka bukas?"-Tanong no Jenny.
"Yap,sa Zamboanga ako ng ilang araw"-
"Iliko mo "-utos niya.
Niliko ko ang kotse.Nasa isang subdivision kami.Mga mayayaman ang nakatira dito.
"Tigil mo sa Puting gate"-
Pagkatigil ng kotse bumaba agad si Jenny.Sumunod na rin ako dito.Walang Guwardiya ang bahay ni Doc.Garret.
"Ano gagawin mo?"-Tanong ko.
Nakangisi itong tumingin sa akin.
"Aakyat tayo"-
"Putang ina Jenny,may pinto naman ang gate!"-
Tumawa lang ito.
Sumunod naman ako umakyat dito.
"f**k!"-nagalusan ang binti ko.
"Putcha!"-
Tumalon na rin ako paloob.
"Parang wala yata si Doc"-
Lumapit kami sa pintuan pero laking gulat namin na may malaking aso.
"Putang ina ,takbo!"-sigaw ni Jenny.
"Putcha!hintay!"-sigaw ko.
Dali dali kami umakyat ulit sa pader.
"Putcha! babarilin talaga kita Jenny!"-
Humagalpak naman ito ng tawa.
Shit! muntikan na kami makagat.
Tawa pa rin ng tawa ito.
Sumakay na kami sa kotse at pinaandar ko ito.
"Ako naman ang Tulungan mo"-nakangising saad ko dito.
"Ano iyon?"-
"May date mamaya si Kiel,of course bago ako mawala ng ilang araw,itatali ko muna siya sa akin"-nakangiti saad ko.
"Wow,parang kay Bea style ito"-nakangising saad ni Jenny.
Kumindat ako kay Jenny.
Pinapahirapan ako ni Kiel,puwes kanya kanya kaming laro.
Alas tres na ng hapon may tatlong oras pa kami.
"Puntahan natin si Judge"-nakangising saad ni Jenny.
Dahil mabilis naman ang pagpapatakbo ko ng sasakyan , nakarating kami sa office ni Judge.
"Hey,ninong!"-bati ni Jenny.
"Oh napadalaw ang mga bayani ng bansa"-
Siya si Judge Edward Baltazar.
"Magpapakasal po ako ninong"-saad ko dito.
"Ha?nasaan ang groom mo?"-
"We need only the Marriage contract ninong, papirmahan lang namin sa kanya then ibibigay lang namin ang kailangan para e process ang marriage certificate"-saad ni Jenny.
"H-hindi puwedi iyon, puwedi kayo kasuhan ng groom"-
"He will not , Ninong"-nakangising saad ko.
"Please ninong ,Edward"-ani ko dito.
Napabuntonghininga si Ninong Edward.
Binigyan niya ako ng application paper.
"Fill upan mo iyan,then pati sa groom mo"-
Agad ako nag fill up,of course kilalang kilala ko si Kiel, dahil doon ako lagi sa Bahay nila nakituloy kapag nandoon ako sa States.
"Zia, puwedi mo naman dalhin dito ang groom mo para ikasal ko kayo ng maayos"-
"Huwag na po, papirmahan ko na lang sa kanya"-
Huminga ng malalim si Ninong.
"Saglit ayusin ko muna ito,bukas ibalik mo ito sa akin para e rehistro ko"-
"Ako na lang Ninong ang maghahatid dito,pa Zamboanga si Z bukas"-saad ni Jenny.
After ng dalawang oras may binigay si Ninong Edward.
"Papirmahan mo yan sa kanya "-
Nakangisi ko itong tiningnan ang hawak hawak kong papel.
Wala ka ng kawala sa akin.
Mag aalas singko na ng hapon at bibiyahe pa kami ng isang oras.Tamang tama na may dinner date sila.
"Salamat Ninong"-
Umalis na kami ni Jenny.
Shit! sobrang traffic ngayon.
Tiningnan ko ang aking cellphone.Nilagyan ko ng maliit na device ang cellphone ni Kiel para malaman ko kung saan siya pupunta.
"Nasa Restaurant na sila"-saad ko kay Jenny.
Lampas Alas sais na kaya nasa restaurant na sila.
Mabilis ko pinatakbo ang sasakyan ko papunta sa Restaurant.
"May shooting tayo ngayon"-nakangising saad ko kay Jenny.
"Best actress na naman ang dating ko dito"-natatawang sagot niya.
Pagdating ng Restaurant,bumaba agad kami.
Ibinigay ko kay Jenny ang handcup at ang military uniform ko.
Sinuot niya ito.
"Let's go, akin na ang pipirmahan niya,"
Pumasok kami ng restaurant.
Palinga-linga pa kaming dalawa.
May lumapit na waiter sa amin.
"Ma'am, any Reservations?"
"Ah Wala may huhulihin lang kami,"nakangiting sagot ni Jenny.
Nagtataka naman ang waiter.
"Ayan sila,"saad ko.
Nakangising lumapit kami sa mesa nila Kiel.
"Good evening Sir Kiel Harrison, your under arrest,"seryosong saad ni Jenny.
Nagulat naman si Kiel at Valerie na nakatingin sa amin.
"W-What?"
"Nagsampa ng kaso ang inyong Asawa ng pangangaliwa , or tawag sa English ay Concubinage at Adultery sa inyong dalawa,"
"N-Nagkamali po kayo wala pa pong asawa si Kiel at bakit pati ako?"
"Eh kasama ka niya di ba,"saad ko kay Valerie.
"Wait, ikaw iyong sa office ni Kiel, right?"
"Yes, kaya nga di ba asawa niya ako,"
"Alam niyo po ba na anak ako ni General Cruz!"
Napatingin kami ni Jenny dito.
"Putcha!anak pala ito ni General Cruz,"bulong ni Jenny sa akin.
Ngumisi ako dito.
"So? General lang ang Tatay mo, si Ziandra Athena Santiago ako,"nakangising saad ko dito.
Napatawa tuloy si Jenny.
"Ah Sir Kiel para tapos na tayo at hindi na hahantong sa kaso, papirma na lang ito,"saad ni Jenny na kinuha pa ang ballpen.
"Why I should sign that?"galit naman na sabi ni Kiel.
Tumingin ito sa akin at umigting pa ang panga nito.
"Ziandra! Ano na naman ito?"
"Ha,bakit ako?"
"Putang ina, pirmahan mo na kasi ito Kiel,"-galit na saad ni Jenny na kinuha pa ang baril at tinutok ito kay Kiel.
Napangisi naman ako.
"A-ano ba iyan?!"
"Dito ka pumirma,"itinuro ni Jenny kay Kiel ang dapat pirmahan.
Ang mga kumakain sa paligid namin nakatingin na sila sa amin.
"T-Tapos na,"
"Di ba simple lang pinapagawa sa iyo, pinapatagal mo pa,"nakangiti saad ko.
"Congrats Z,"nakangising saad ni Jenny.
"Puwede ko kayo kasuhan dalawa, ipapakita ko kay Daddy ang mga mukha ninyo!"galit na sa sabi ni Valerie.
Tinaasan ko ito ng kilay.
"Go ahead, sabihin mo sa Daddy mo, Z Santiago ang pangalan ko,"nakangising saad ko kay Valerie.
Humarap ako kay Kiel.
"See you Babe,"pinakita ko sa kanya ng malapitan ang pinirmahan niya.
Nanlalaki ang mga mata nito.
Lumapit ako sa kan'ya at sabay sabing,
"We already married,"
Nakangising umalis na kami ni Jenny.
"Putcha! Ang init,"hinubad ni Jenny ang uniform ko na suot suot niya.
Malapad naman ang aking ngiti.
"Hatid na kita,"saad ko kay Jenny.
I'm not a Santiago anymore, I'm f*****g Harrison!
Nakangisi ako habang nagmamaneho.