"Huwag ka mag-alala Z, kahit saang simbahan sila magpakasal hangga't buhay ka, hindi maging legal ang kasal nila,"ani ni LC. Kampanti naman ako.Alam ko na gusto talaga ipakasal ni Genenral si Valerie kay Kiel dahil sobrang yaman ng pamilya ni Kiel sa US.Ang daddy ni Kiel ay isa sa mga namamayagpag na negosyante sa States. Tuso si General, kaya ganoon na lang ang paglapit niya kay Ann dahil anak ng senador si Ann, mapapalinis ang pangalan niya kapag nakadikit ito kay senator Walton. Nandito na kami ulit sa rest house ni Ginto. "Ang Guwapo ni Kurt, I mean lalo naging guwapo,"ani ni LC. Napatingin naman kami ni Jenny kay Kurt. "Fuentebella?"tinawag ito ni Jenny. Lumapit naman si Kurt. "Yes?"ani niya. "May girlfriend kana?"tanong ni Jenny. "Wala, bakit?" "Type ka ni LC, single pa it

