Pangatlong araw ko na sa Zamboanga, kahapon doon kami ni Jenny nag stay sa Resthouse ni Damon. Nasa kampo kami ngayon at hinihintay namin ang chopper na susundo sa amin. "Boring talaga kapag walang bakbakan"-reklamo ni Jenny. Napangisi na lang ako. Niligpit ko na ang mga gamit ko at nilagay sa aking bag. "Bar tayo pagdating sa Manila"-yaya ni Jenny. "Sige,"-sagot ko. Medyo okay na ang sugat sa aking braso. "Z,di ba anak ni General Cruz ang karibal mo kay Kiel,paano kung malaman ni General na ikaw ang asawa ni Kiel na dapat iyon ang maging asawa ng kanyang anak"-nakangising saad ni Jenny. Nakangisi akong humarap kay Jenny. "Si General Cruz , General lang siya,e ako? pumapatay,ang pag aari ko ay hindi dapat inaangkin"- Tumawa naman ng malakas si Jenny. "Hindi ako takot at wala ak

