CHAPTER 43 Umikot ang mata ko sa kanya at pigil pa rin ang aking sarili na matawa sa kanya. Binitawan ko na ang kanyang kamay nang nasa tapat na kami ng kanyang sasakyan. Parang ayaw pa niyang pumayag pero hindi na lang ito nag reklamo. “Sige na, Mayor. Masyado ng madilim at baka mapano ka pa sa daan. Bukas na lang tayo magkita. 'Wag ka na nga d'yang maging malandi.” natatawa kong sambit sa kanya. “Kiss me.” utos niya sa akin. Pero umiling kaagad ako sa kanya. Wala naman ng mga tao sa paligid dahil madilim na. Baka andoon na iyon lahat sa plaza at nanonood ng mga palabas. May comedy show yata mamaya kaya nandoon ang mga tao. Pero ayaw ko pa ring maging kampante at baka may mga nakamasid dito sa amin. Kahit wala man akong nakikitang mga tao dito ay baka hindi ko lang sila nakikit

