CHAPTER 2 STMCHM
( ASTRID'S POV )
Kahit labag man sa aking loob ay nagsimula na akong magligpit ng aking mga gamit. Ayaw ni Nanay, pero syempre ngayon palang ay nararamdaman ko ng wala na kaming magagawa pa. Ngayon palang ay tanggap ko ng talo na kami dito palang. Wala na kaming kalaban- laban pa doon sa kanila.
Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko doon sa mga Desmond. Malalayo na ako sa pamilya ko. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na 'wag umiyak habang unti- unti kong nilalagay na sa loob ang aking mga gamit. Buti nalang ay tulog na ang kapatid ko. Paniguradong iiyak iyon kapag nalaman niyang umalis ako. At si Nanay na ang bahalang magsabi sa kanya kung saan ako pupunta.
Hindi ko alam kung kailan ako aalis, pero alam kong hindi na ako magtatagal pa dito sa bahay namin, alam ko iyon.
Nagtataka talaga ako kung paano ginamit ni Tatay ang isang milyon. Sana kung umutang man siya ng ganoon kalaki ay sana naisipan niyang ipaayos man lang itong bahay namin. Kaunting ihip lang ng hangin ay parang matatangay na kaagad 'tong bahay namin, e.
At hindi nga ako nagkamali. Umaga pa lang ay nandito na ang mga tauhan ng mga Desmond sa labas ng bahay namin, madilim pa at kaunti pa lang ang gising sa mga kapit- bahay namin. Usually ay kapag ganitong oras ay ang gising pa lang ay ang mga kapit- bahay naming may mga maagang mga trabaho, tulad ng mga magsasaka na aakyat pa ng bukid. Marami sila dito, si Tatay ay halos hindi na niya alam ang kanyang gagawin pa. Takot na takot siya habang nag- aabang sa akin ang mga Desmond. Kahit mukhang mga pormal naman sila ay nakakatakot pa rin. Hindi man kita ang mga dala nilang mga armas ay alam kong mayroong nakatago sa parti ng katawan nila. Ang lalaki ng mga katawan nila, kung may gagawin man kaming hindi nila magustuhan ngayon ay baka ito na ang katapusan ng buhay namin. Halatang hindi ito nakakaramdam ng takot o kaya naman ay awa.
"Anak, hindi mo kailangang gawin ito. Gagawa ako ng paraan para mabayaran natin ito anak. Hindi lang ito ang tanging solusyon para d'yan. Gagawa ng paraan si Nanay anak, 'wag mo lang gawin ito.”naiiyak na sambit ni nanay sa akin. Kahit ako ay umiiyak na rin ngayon. Mugtong- mugto na ang aking mga mata, simula pa kasi kagabi ay iyak an ako nang iyak parang hindi na yata ako natulog.
"Nay, kaya ko na po ang sarili ko, 'wag po kayong mag- aalala sa akin." pilit kong pinapatatag ang aking loob. Pilit kong pinapakita kay nanay na oky lang ako, na kaya ko, kahit sa loob- loob ko ay sobrang natatakot na ako sa mga posibleng mangyari sa akin doon sa mga Desmond.
Hindi ko alam kung ilang buwan o baka taon ang itagal ko doon sa kanila.
Lumapit sa aming dalawa si Tatay, hindi ito pinansin ni nanay at niyakap lang niya ako.
"Wag kang mag- alala, anak. Gagawa si tatay ng paraan. Pansamantalalamang ito, anak. Magtiis ka muna. Pasensya ka na, gagawa ng paraan si Tatay, anak. Pasensya ka na talaga." umiiyak na sambit niya sa akin. Tumango ako sa kanya, sa kaunting pag- asa na binibigay niya sa akin. Bakit ba umaasa pa ako? Kahit anong gawin nilang trabahaong dalawa ay hindi namin kailanman mababayaran ang ganoong halagang pera. Kahit buong araw pa silang dalawa na mag- trabaho ay hindi pa rin namin kayang bayaran iyon.
Napaigtad kaming tatlo nang kumatok na naman ng malaas ang mga tauhan ng mga Desmond.
"Matagal pa ba 'yan? May plano ba kayong palabasin 'yan?" mas lalong lumakas ang iyak ni nanay dahil doon. Kinuha ko na ang aking mga gamit at binitbit na iyon palabas. Hindi ko alam kung mapupuntahan ko pa ba sila dito. Hindi ko alam kung papayagan ba akong umalis at pumunta dito sa bahay namin. Malayo ang bahay ng mga Desmond sa amin.
Hindi na ako nakapag- paalam pa sa aking kapatid, bukod sa tulog pa kasi ay baka hindi na talaga ako makaalis dito sa bahay.
Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pintuan namin. Bumungad sa akin ang mga naglalakihang mga tauhan ng mga Desmond. Ang mga kapit- bahay namin ay nagtitinginan na kung bakit nandito sa bahay namin ang mga tauhan nila, makikilala naman kasi kaagad dahil nakasuot naman ng itim na mga damit ang mga tauhan nila, may suot din itong mga shades palagi.
Nang makita nila ako ay kaagad na lumapit sa akin ang isang lalaki, kinuha nito ang hawak kong mga gamit na nasa mga kamay ko. Hindi ko na pinalabas pa sina nanay at tatay para hindi sila makita ng mga kapit- bahay namin na umiiyak, baka kung ano pa ang sabihin nila sa amin. Ang plano nga namin ay palabasin lang na namasukan ako bilang kasambahay doon sa kanila. Alam kong magtataka na sila dahil bakit naman kailangan pa akong sunduin ng mga tauhan ng mga Desmond, e, hindi naman nila iyon ginagawa sa mga namamasukan bilang kasambahay doon.
Nilingon ko ng isang beses ang bahay namin bago naglakad na papuntasa puting van na dala nila. Pumasook na ako sa loob ng puting van, sumunod na rin sa akin ang kanilang mga tauhan.
Kahit naiiyak man ay pinigilan ko ang aking sarili nang sinimulan na nilang paandarin ang sasakyan. Pumikit nalang ako at pinilit ang sarili kong matulog kahit hindi naman ako inaantok.
Matagal din akong nakapikit habang nasa kandungan ko na ang aking mga gamit, hinawakan ko to ng mahigpit. Tahimik lang ang buong kotse, wala ring kahit isang nagsasalita sa kanila. Puro naman kasi sila mga seryoso.
Minulat ko lang ang aking mga mata nang tumigil na ang sasakyan. Pagmulat ko ay bumungad sa akin ang isang bahay na ang disenyo ay katulad pa noong mga unang panahon na may kaunting halo ng modernong mga desinyo.
Binuksan na ng isang tauhan nila ang pintua ng sasakyan. Nakatingala ako habang bumabab dahil tinitingnan ko ang bawat desinyo. Marami akong nakitang mga cctv, sa labas palang ng bahay. Ang gate rin nila ay sobrang tangkad at wala kang makikita sa loob ng bahay kapag nasa labas ka na.
Sumunod ako sa mga tauhan ng pumasok na sila sa loob. Halos mapanganga ako nang makita ko kung gaano kaganda ang nasa loob ng bahay. Sobrang ganda, ang daming mga mamahaling paintings, ang chandelier ay naglalakihan sa itaas, ang mga sinaunang mga vases na halatang mamahalin. Kapag yata nakabasag ako ng kahit isang pinakaaliit lang na nandoon ay bakadito na ako manirahan habang buhay dahil hindi ko naman iyon mababayaran kahit kailan.
Nakatingin lang sa akin ang mga kasambahay nang pumasok na ako sa loob. Tatlo silang naglilinis habang ang isa naman ay nag- uutos lamang sa kanila, iyon yata ang kanilang mayordoma.
"Marites, ihatid mo na 'to doon sa kwarto n'yo." napatigil ang isa sa pagpupunas ng isang vase nang sabihin iyon ng isang tauhan na nasa tabi ko ngayon.
Tumigil naman sa kanyang paglilinis ang isang babaeng maikli ang buhok.
"Sumunod ka sa akin," maikling sabi niya. Tumango naman ako bago nakayukong sumunod sa kanya. Naglakad kami papasok doon sa loob ng kusina, lumiko kami sa kaliwa at pumasok sa isa na namang pinto. Binuksan niya iyon, dalawang double deck ang naroroon sa loob. Malaki riin naman ang kwartong ito. Ang isa na nasa taas ay bakante pa dahil wala pa itong mga gamit doon. Baka doon na ako pupwesto.
"Doon ka sa taas wala pa namang natutulog doon. Tsaka malinis na rin 'yan." mahinahon na sabi ni Marites sa akin. Pero mukhang hindi ko naman na siya kaedad, base sa kanyang mukha ay parang nasa 30's na siya.
"Ilapag mo na ang mga gamit mi d'yan. Kakausapin ka pa ni manang Susan. Bilisan mo na d'yan." nagulat ako ng biglang naging mataray ang kanyang boses sa akin. Bigla nalang akong kinabahan doon. Kahit kinakabahan ay mabilis kong inilapag ang aking mga gamit doon sa itaas ng double deck. Lumabas na siya at sumunod naman ako sa kanya.
Pero hanggang sa kusina lamang ako dahil sinalubong na ako ng mayordoma doon na si Mnang Susan.
"Sumunod ka sa akin at ililibot kita dito sa bahay."