CHAPTER 55 Malamig ang aking buong katawan habang nakatitig ako sa kanya. Ito na naman ba ang sinasabi niyang paparusahan niya ako kapag may hinayaan akong isang lalaki na lumapit sa akin? “Si sir Nash po ba ang tinutukoy n'yo, Mayor?” nagtatakang tanong ko sa kanya at tinaas ko ang aking dalawang kamay at pinulupot sa kanyang leeg. Mas lalo ko pang nilapit ang sarili ko sa kanya. Na halos ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. “Don't f*****g say that name to my face, Astrid. Hindi magandang pakinggan ang kanyang pangalan.” nakasalubong ang mga kilay nito habang nakatitig sa aking mga mata. Naiinis na sa pagsambit ko sa pangalan ni Sir Nash. Gusto ko lang naman siyang isure kung tama ba ang hula ko. “Ano ang pinag- usapan n'yong dalawa? Tell me,” tanong n

