CHAPTER 40 "Nay. . ." nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin ako sa kanya. Nagulat ako at hindi ko inaasahan ang nandoon na pala sa loob ang Nanay ko. Mabilis kong binitawan ang kamay ni Mayor at nagmamadaling tumayo upang salubungin si Nanay. Tahip- tahip ang kabang nararamdaman ko ngayon dahil alam kong nakitani Nanay kanina ang kamay namin ni Mayor na magkahawak kanina. At hindi ko alam kung paano ko iyon ipapaliwanag sa kanya ngayon. Alam ko naman magtatanong talaga 'yon sa akin. Tumayo rin sii Mayor upang batiin si Nanay. At ganoon pa rin ang kanyang reaksiyon, sobrang kalmado niya pa rin tapos ako dito ay halos manlamig na sa sobrang kabang nararamdaman ko dahil baka pagalitan ako ni Nanay mamaya. Hindi ko kasi talaga nakita na dumating na pala siya. At hindi ko alam kung ka

