Episode 47

1512 Words

(Kaylin/Henrietta) "Nasaan na ang ibang gamit ni Henrietta?" tanong ni Flynn sa mga kasambahay namin. Nilalagay na ang mga gamit ko sa loob ng van papunta sa Maldives, halos maglupasay kagabi si Flynn nang malaman niya na hindi siya ang isasama ko sa lakad na to at mas lalo siyang nadisappoint nang isend ng organizer ang venue. "Ano? Masaya ka na Ezekiel? Ikaw ang sinama ni Henrietta?" nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatitig ito kay Ezekiel. Umangat lang ang kilay ni Ezekiel at pinasok ang kamay sa bulsa niya, nang-aasar pa ata ang taong to. Flynn just rolled her eyes at pinagtuunan na ako ng pansin. "Yung mga damit na susuotin mo ay nauna nang dumating doon sa Maldives kaya wala ka nang ibang proproblemahin pa, at ikaw Ezekiel..." binalik niya ang kanyang tingin kay Ezekiel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD