(Kaylin/Henrietta) Ito na. ito na ang araw na pinakahinihintay ko, this day should be perfect for me. Lalabas ang mga taong posibleng maging susi sa pagkamatay ng mga taong malapit sa aming buhay. "Maraming tao ang pupunta doon Kaylin do you think you can handle?" nag-aalalang saad ni Ezekiel habang inaayos ang kanyang neck-tie. "Matagal kong pinaghandaan ang araw na to Ezekiel, ngayon pa ba ako aatras kung saan nandito na ako?" sagot ko habang naglilipstick. I am wearing the most vibrant red color lipstick, it compliments my sexy long black dress with slit na hanggang bewang ko. tinali ko na rin ang buhok ko para kitang kita ang mga alahas na nakasabit sa leeg ko, mas dumagdag naman sa height ko ang 10 inch heels ko. I also wore a black see-through gloves to make it look elegant. "

