(Kaylin/Henrietta) Natapos na ang photoshoot namin ni Ezekiel na halos sumabog ang mukha ko dahil sa kaba at init. "Pwede mo na akong ibaba Ezekiel." Mahinang usal ko. Pero hindi niya pa rin binibitawan ang balakang ko, his other hand is my legs supporting it na para hindi ako makababa, nagtinginan ang mga nasa paligid namin but Ezekiel doesn't even bother to put me down. "AH!" napasigaw ako nang bigla siyang maglakad papunta sa dalampasigan. Karga-karga niya pa rin ako hanggang sa makaahon kami sa dagat, pagdating namin sa lilim ay doon niya lang ako binaba. He smirked at umalis na parang walang nangyari para umupo doon sa upuang binigay sa kanya, nahihiyang napakamot ako ng batok dahil sa ginawa niya. napalingon ako sa paligid at halos lahat nang nakasaksi sa ginawa ni Ezekiel ay

