(Kaylin)
"Lazarus! Tulong!" malakas na sigaw ko. Marahas kong binuksan ang mga mata ko dahil sa panaginip na iyon, isang masamang panaginip. Mabilis akong napatayo sa kama
nanlamig ang buong katawan ko, natataranta akong nagpalingon-lingon sa paligid.
nasaan ako? nakita ba ako ni Lazarus?!
"Okay ka lang iha?" isang malambing na tinig ang sumalubong sa akin . Tinignan ko siya ng takot na takot, sino ang babaeng to? Pinadala ba siya ng nga Stewarts para tuluyang patayin ako?!
"P-Parang awa mo na, w-wag mo akong patayin!" lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa. nakatakas na ako mula sa kamay ng mga Stewarts, ayaw ko nang bumalik doon.
"It's okay iha, It's okay. You are now safe," this unknown woman hug me. She comforted me as if she knows what I've gone through, hindi pa rin mawala sa akin ang panginginig ng katawan ko.
sino ang taong to?
"Mommy? what happened?"
She let go of me at tinignan ang lalaking pumasok sa kwarto. Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid at doon napagtanto ko na nasa ospital pala ako, dinala ba ako ng mga Stewarts dito para pagalingin tapos papatayin?
"She woke up and screamed very hard anak. I assume may trauma siya," nag aalalang sagot nung matandang babae. The man looked at me suspiciously.
"Parang awa n'yo na, iligtas n'yo ako. wag n'yo akong patayin. Wag n'yo kaming patayin ng anak ko," umiiyak kong pagmamakaawa. For the sake of my safety and sa magiging anak ko, luluhod ako para mabuhay lang kami.
Nagulat naman ang matandang babae sa inasal ko.
"Buntis ka?!"
Tinignan niya naman nang nag aalala ang lalaki kanina. "Anak? How is her child? okay lang ba ang bata sa tyan niya?"
"Her child is okay mommy, ang hindi lang okay ay ang mga sugat niya. Some of it may leave a scar," seryosong usal nung lalaki. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil walang masamang nangyari sa anak ko.
"Hindi ba ikaw yung asawa ni Lazarus?"
Nagulat naman ako sa biglang pagtanong nung lalaki sa akin, Paano niya alam na asawa ako ni Lazarus? d
"What? Iha asawa ka ni Lazarus? May asawa ang taong yun?!"
Kahit masakit pa ang mga sugat ko ay pinilit kong bumangon sa higaan. "Parang awa nyo na, wag ninyong sabihin sa kanila na nakaligtas ako." puno ng pagmamakaawa ko sa kanila. Hindi ko na napigilan na manginig sa takot sa dinanas ko kagabi. Ang pigurang tumalikod sa akin habang unti unti akong nasusunog sa bodega, ang nga taong handang kumitil ng buhay at mga walang puso.
"What happened iha?" nag aalalang tanong sa akin nung matandang babae. Hindi ako makasagot dahil sa hikbi ko.
"Anak, Sinong Lazarus ang tinutukoy mo?"
"Lazarus Damon Stewart mommy."
"WHAT?! Asawa ka ni Lazarus?! But he keep saying na single siya?! Anong ginawa nila sayo? Sabihin mo, Those son of a btch ginawa nila ulit ito." seryosong tanong sa akin nung matandang babae. Hindi ulit ako makasagot dahil bumabalik ang mga nangyari sa akin. Tahimik akong himihikbi dahil sa sakit na dinulot sa akin ng pamilya Stewart.
"If I am not mistaken, you are the only daughter of Daniel Rogers right?" Muling tanong sa akin nung matandang babae.
Tumango ako sa kanya bilang pagsagot pero walang salita na lumalabas sa bibig ko. Paano nila ako nakilala?
"I'm sorry, Nakita kasi kita nung bata ka palang and I was stunned by your beauty pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sayo,"
"Parang awa nyo na, wag nyong sabihin sa mga Stewart na nakaligtas ako mula sa pagkakasuno," pagmamakaawa ko sa kanila. Hindi naman nila ako sinagot bagkus ay niyakap nalang ako nung matandang babae.
"Don't worry, we don't know what happened to you iha, but we won't let the Stewarts hurt you again. Hindi na nila pwedeng gawin ang nangyari sa kapatid ko," wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya, pero guminhawa ang pakiramdam ko sa huling sinabi niya.
"Kailangan mo munang magpahinga, you need to regain your strength for your baby," masaya niyang saad. Hinipo niya naman ang tyan ko at masayang tinitignan ito, I saw some longing in her eyes as if gustong gusto niya na makita ang bata sa sinapupunan ko.
Nakatulog naman ako at to be honest, yun ang pinaka komportableng tulog ko sa buong buhay ko. Nung magising naman ako ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil nakita ko na hawak hawak nung lalaki ang kamay ko. He was sleeping beside me, ginamit niya naman ang kanang kamay niya bilang unan at ang kanyang kaliwang kamay ay nakahawak sa kamay ko. Hindi ko alam kung kukunin ko ba or hindi dahil sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak.
Makalipas ang ilang minuto ay nagising na siya, agad niya akong tinignan at doon napagtanto niya na nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Binawi niya naman agad iyon at inayos ang kanyang sarili, iniwas ko naman ang mata ko palayo sa kanya.
Narinig kong timikhim siya kaya napatingin ako sa kanya. "How do you feel?" nag aalalang tanong niya sa akin.
"I am okay," maikling sagot ko sa kanya. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi ko pa kilala ang taong ito pero siya ay kilala na ako.
"Alam ko kung ano ang nasa isip mo, I am Ezekiel Octavious De Chiel. I saw you in the middle of the road unconcious and instinct ko na iyon na dalhin ka dito dahil duguan ka, but I never expected that a gentle lady of Rogers makikita ko sa ganoong estado."
De Chiel? Nagulat naman ako dahil hindi ko namukhaan na isang De Chiel pala ang tumulong sa akin. Napayuko naman ako dahil sa hiya, my family is one of the famous and powerful families here in Netherlands. nakakahiya pa na nakita niya ako na tumatakas pa. Their family and my family are friends, pero never ko silang nakainteract dahil sa parents ko.
"I know wala ako sa lugar na magtanong kung ano ang nangyari sayo but I will ask anyway, Bakit ka sugatan? lumabas na din sa mga laboratory reports mo na may mga pasa at sugat ka sa iba't ibang parte ng katawan mo," mahabang saad niya. Isang mahabang katahimikan ang pumagitan sa aming dalawa dahil hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa.
He leaned back and cross his armed. Seryoso siyang nakatingin sa akin at halatang atat na ata na siya na sagutin ko lahat ng katanungan niya. "And a news just came out, Stewarts reported na may sunog na nangyari sa likod ng kanilang mansyon, doon ka ba natutulog? at mukhang may hinahanap ang mga Stewarts, ikaw ata yun,"
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kahit na nahihirapan ay pinilit ko umupo para kausapin siya. "Parang awa nyo na, wag nyo akong ibalik sa kanila, ayokong maranasan ulit ang dinanas ko sa loob ng tatlong taon sa kamay ng mga taong iyon,"
niyuko ko naman ang ulo ko sa pagmamakaawa na wag nilang sabihin na buhay ko. "Apparently, may narinig akong balita na may pinaghahanap ang mga Stewarts, I've heard katulong daw ito." nanlumo ako sa sinabi niya. Hindi ako pwedeng bumalik doon, kung babalik man ako doon ay posibleng hindi na kami sisikatan ng araw ng anak ko. "Do you want me to help you?"
Parang nabuhayan ako sa sinabi niya. "Yes, please. Ilayo mo lang ako sa lugar na ito, delikado ang buhay naming mag-ina dito," pagmamakaawa ko sa kanya. "In one condition,"
Determinado akong tumingin sa kanya. Kailangan ko ngayon ng tulong para sa kapakanan ng anak ko.
"Tell me everything kung bakit ka pinagtangkaang patayin."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, napahinga ako ng malalim. Nagdalawang isip ako na sabihin sa kanya ang lahat, pero kapag hindi ko sinabi sa kanya malalagay sa peligro ang buhay ng anak ko.
"Okay I will tell you. But promise me first na hindi mo ako ibabalik sa mga magulang ko at sa mga Stewarts."
Tumango naman siya sa kondisyon ko. Nilapit niya ang kanyang upuan sa higaan ko at handa nang makinig sa mahabang kwento ko. I took a deep breath and I look at him scared.
"Consider it done." at sumandal na sa upuan niya.
"Me and Lazarus..."