(Kaylin/Henrietta) Ilang araw na rin ang nakalipas mula nung may pumasok sa mansyon at pansamantala ay umalis muna kami doon para makasigurado kami sa kaligtasan namin. Nang dahil aksidenteng yun ay agad na nagbook ng flight si Ezekiel para makaalis agad ang mga anak ko, sumama na rin sa kanila si Madam De Chiel. Masakit man para sa akin ang mawalay sa kanila ay ginagawa ko to para rin sa kaligtasan nila. "Tatawag po ako sa inyo anytime, pag nagka free time po ako ay lilipad po ako agad sa New York para bisitahin ang mga bata." saad ko. Hating-gabi na rin kasi and this is the ideal time for them to fly dahil wala masyadong pasahero. "Sure iha, wag kang mag-alala hindi ko papabayaan ang mga apo ko. Tatawagan rin kita sa oras na libre ka kaya Flynn..." hinarap niya si Flynn na busy ka

