(Kaylin/Henrietta) Nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Ezekiel habang nakatingin kaming dalawa sa buwab. Parang walang sipaan at saksakang nangyari kanina. "Aray." napadaing ako ng konti nang maramdaman ko ang kirot mula sa sugat ko. Ngayon ko lang naaalala may nangyaring bugbugan pala kanina. "Hey, are you okay?" natigilan si Ezekiel nang makita ang panyo na nakatirintas sa balikat ko. Bigla naman akong kinabahan sa pagbago ng mukha niya. "Who did that to you?" malamig at madiin niyang usal. Hindi niya pala napansin ang sugat ko sa braso, tinakpan ko ang sugat ko pero kinuha iyon ni Ezekiel at tinitigan ng maayos. "Hindi naman siya malalim Ezekiel, hindi naman yun sinasadya ni Catherine na atakihin ako." I assured him na okay ako pero natakot ako bigla sa inasal niya. "She d

