(Kaylin/Henrietta) Inaya ako ni Ezekiel na pumunta sa opisina niya ngayong araw, pupunta rin kasi si Manong Royce ngayon. Hindi ko alam kung bakit pinatawag ni Ezekiel si Manong Royce pero pumunta na rin ako kasi gusto ko rin makita si Manong. Pagdating ko sa opisina ni Ezekiel ay gusto ko na lang na magpakain sa lupa nang makita ko ang malaking litrato ko sa lobby ng building niya, kausapin ko nga siya mamaya. Lumapit na ako sa receptionist ng kompanya niya para magtanong kung saan ba banda ang daan papunta sa opisina ni Ezekiel. "Good Morning." nakangiting bati ko sa kanya. Napatitig naman siya sa akin habang kinikiskis ang kanyang kuko gamit ang bagay na hindi ko alam kung ano ang tawag, nanlaki naman ang mata ng katabi niya pero siya at tinitigan lang ako from head to toe.

