Maaya's POV Habang papunta ako sa address na binigay ni Ethan sa akin ay hindi ko maiwasang maalala nung mga panahon na pinuntahan ko sa Villanueva ang pamilya ni Rino para ipaalam sa kanila na buntis ako, tulad ngayon ay pupuntahan ko na naman sila. Ang pinagkaiba lang ay kukunin ko ang anak ko sa kanila. "Dito na po tayo Ma'am." Nabalik ako sa sarili ko ng tumigil ang kotse sa isang malaking bahay. Bumaba ako para tignan ito ng maayos. "Sure ka manong? Ito talaga yung address na binigay ko sayo?" Tumango lang si Manong at tsaka binigay ko ang bayad bago ito umalis. Malaki nga itong bahay nina Rino, talagang matatawag mong mansyon. Pero mas malaki pa din ang bahay nila sa Villanueva. Nag-door bell ako at mabilis namang lumabas ang isang katulong doon. "Bakit ho? Sino s

