Maaya's POV Nasa loob ako ng kwarto kung saan ako naka-confine. Wala akong ibang pinapasok kundi ang mga kaibigan ko lang. Tahimik lang ako at tahimik lang din sila. "Aya. Sigurado ka na ba talaga dito?" Ilang ulit ng tinanong ni Eric ito sa akin pero hindi na mababago pa ang isip ko. "Hindi ka pweding umalis lang bigla Aya." Sabi din ni Ericka pero napailing lang ako. "Pwedi bang papasukin niyo si Nicholas?" Pakiusap ko sa kanila. Alam kong nasa labas din si Hannah kasama si Nicholas. Nang pumasok na si Nicholas ay lumabas na silang lahat at iniwan kaming dalawa. "I'm sorry. Kung maaga kitang nadala dito sana hindi nawala ang baby mo." Nakayukong sabi ni Nicholas. "Okay lang. Hindi mo kasalanan." Blangkong saad ko. "Papunta na dito si Rino." Naalarma

