Maaya’s POV "Why don't you ask Maaya that she is my f*****g ex. Ako ang nauna sa kanya. Diba bawal yun? Like you said awhile ago, rule is a rule." isang mapaglarong ngisi ang nasa labi ni Rhodney habang binibitawan ang mga salita niya na nakapagpatigil sa kanilang lahat. "What the eff dude. Ex mo si Aya?" hindi makapaniwalang sigaw ni Blake. Hindi mo na kailangang isigaw Blake, kakasabi nga lang diba? Mayabang na nagkibit-balikat lang si Rhodney. At talagang pinagmamayabang niya pa na ex niya ako. Ngayon ay nasa akin na ang buong atensyon nila. Si Nicholas na nakapamulsa at nakatingin sa akin, si Terrence at Blake na nakanganga, si Gray na seryoso ang mga mata at parang binabasa ang iniisip ko, si Ethan na nakangiti lang at parang hindi na siya nagulat doon. Don't tell me alam niya, si

