Maaya's POV Nang tumigil na ang kotse ay nagsibabaan na kami. Nakita ko na napanganga sina Stacey at mga babaeng kasama ni Terrence sa laki ng bahay nila Rino. Yan din naman ang reaction ko ng una akong pumunta dito. Sila Ethan ay mukhang hindi ito ang unang beses na pumunta sila dito. Mukhang close talaga sila eh kaya siguradong ilang beses na silang nakapunta dito. Kinuha ni Rino ang bag ko at bag niya bago pinagsiklop ang kamay namin. Ang gulat sa mukha ko ay nawala ng bigla kong naalala na this is just an act. Pagpasok namin doon ay una naming nakita si Siera na nakaupo sa mamahaling sofa habang nanunuod ng TV. Tumayo ito at isa isa kaming tinignan bago tumigil ng tingin sa kuya niya. "Who are they?" mataray na tanong ni Siera. "Mga kaibigan ko sila, Si Eric, Justine, S

