*KEIRA POV*
Naliligo ako ngayon dito sa parang pool nila its a spring or d ko ma explain hinatid ako dito ni manong romulos para daw makapag freshen up ako
Dahil malawak dito lumalangoy langoy lang ako ahhh so good ang sarap sa feeling ng tubig nila para siyang hot spring ng napagod na ako sa kakalangoy umahon na ako ng biglang may naglagay ng tela panakip sa katawan ko
Nandito pa rin ang dalawang maid na iniwan ni manong romulos sa akin para daw may mag-assist sa akin kahit na sinabihan kong okay lang kaya ko na ang aking sarili he really insist
Nagbow naman ang dalawang babae they lead the way pabalik sa room ko nakatapis lang ako ngayon ng para siyang magandang bath throb hahaha pagdating ko sa aking kwarto
Hinubaran nila ako at sinumulan ng magbihis pinipigilan ko sila na ako na dahil kaya ko na pero ayaw nila hayst! matatagalan pa lalo kami kung magdedebate pa kami tungkol sa bagay na ito
Pagkatapos akong bihisan pinaupo nila ako sa harap ng salamin at sinimulan na nila akong suklayan at konting hairdo sa aking buhok charr may free parlor service na ako dito
Pagkatapos nila akong ayusan dumilat ako sa aking mata para tignan ang ginawa nila sa akin and i was amaze sa nakita ko im really gorgeous!! Hindi na masosolusyonan ang sakit kong kagandahan haha
Tumayo na ako at nagpasalamat sa kanila hmm so ano na ang gagawin ko ngayon? i must know how to get home pero sabi nga nila im home ughhh i really must talk to them
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan tuwing may makakasalubong ako magbobow sa akin ang mga tao dito sa kaharian na ito
Lumingon ako sa aking likod kung saan nakasunod sa akin ang dalawang maid hayst ! as much as i want gusto kong mapag-isa ayaw naman nila nagiging uncomfortable ako kapag nalaman kung may nakasunod sa akin
"Hmm pwede bang ano.. ako muna mag-isa? nagiging uncomfortable kasi sa akin kapag may sumusunod.. ano tatawagan ko na lang kayo kapag may kailangan ako pwede ba?"
Nagkatinginan naman ang dalawang kasambahay na parang nagdadalawang isip kung papayag ba sila o hindi
"Anong pangalan niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa
Napatingin naman sila sa akin at nagbow
"Ako po si kristina"
"Diana po"
Tapos tumayo na sila ng maayos
"Kristina diana please??? please?? promise ko hindi ako gagawa ng kalukuhan"
Kahit na nagdadalawang isip sila pumayag naman sila kaya napayakap ako sa kanila na ikinagulat nila tumakbo naman ako paalis yes! haha
May nakasalubong akong kasambahay tinawag ko naman siya at nagtanong kong nasaan sila theron at sigurd pero ang sabi niya umalis daw ang dalawa kanina lang
"Ganun ho ba? kailan po ba ang balik nila?"
"Baka mamayang gabi pa yun o hapon miss keira"
"Cge salamat ah"
"Walang anuman po" sabay alis niya
Paano na ito?? hindi pa ako makakauwi ngayon? naman eh! pero hindi sila naniniwala na nasa libro ako eh impossible nga ang magic nangyayari dito... yung pagpasok pa kaya sa libro?
"Mabuti pa siguro kong maglibot libot ako dito para hindi ako mawala sa susunod"
Naglibot libot naman ako sa paligid sabay tingin sa mga painting na nakikita ko nagtataka lang ako kasi kasali din si theron sa painting
"Siguro malapit talaga si theron at sigurd? kaya meron din siya sa painting? or magpinsan sila?"
Dinedma ko na lang baka may explanation kung bakit naglakadlakad lang ako hanggang sa makarating ako sa isang malaking pintuan
Binuksan ko ito at pumasok namangha ako sa aking nakita isa siyang library bawat dingding ay bookshelves amazing! mahal ko ang pagbabasa pero simula nung nawala sila mama tinigil ko na ang pagkahilig dito because hindi ito totoo lahat
Lumapit ako sa bookshelf na puno ng libro napatingin tingin lang ako sayang kung mahal ko pa sana ang pagbabasa tulad ng dati baka excited akong tumakbo dito at nagsimula ng maghakot ng librong babasahin
May dalawang malaking bintana naman dito at isang lamesa with chairs syempre lumapit ako sa bintana at dumungaw kita dito ang gilid ng palasyo pati ang bayan na nasasakupan nito
"Mukhang matatagalan pa naman sila umuwi magbasa na lang kaya ako kahit isang libro? para naman hindi ako mainip sa kahihintay"
Bumalik ako sa nakahilirang libro dito may hagdan naman sa gilid para maabut mo yung nasa taas na mga libro ginawan pa talaga ng daananan
History of Ornothopia
Hmm... nga naman nakakacurious kung ano ba talaga ang mundong ito well lugar pala haha kinuha ko ang librong yun at pumwesto na ako sa upuan at nagbasa
*THERON POV*
Nakasakay kami ngayon sa kabayo papunta sa kapitbahay naming nayon hindi naman siya ganun kalayo para abutin ng isang araw sa pagbyabyahe
"Theron sa tingin mo okay lang ba talaga na iwan natin si keira doon?"
"She'll be fine ano siya bata?"
"Pero kakasabi mo lang di ba na hindi mo na siya natin pagkakatiwalaan?"
"Oo nga hindi naman ibig sabihin na hinayaan ko siya doon eh pinagkakatiwalaan ko na siya kaya nga pinaiwanan ko ni romulos si keira ng dalawang kasambahay para magbantay sa kanya"
"Dalawa? sa lakas niya yun wala lang yun kahit pa hindi sila ordinaryong kasambahay or should i say nagpapanggap lang na kasambahay"
"Sa tingin ko naman aksidente lang ang pagkalabas ng lakas niya nung tinapon ka niya dahil lang siguro yun sa galit dahil gaya ng sabi mo sinampal mo siya ng malakas"
Napakamot naman siya sa kanyang batok "So may kasalanan din pala ako nun"
I just smirk at him sigurd and i are siblings yes magkapatid kami matanda lang siya sa akin ng dalawang taon pero mukhang mas matured pa ako mag-isip sa kanya
Wala na ang parents namin dahil namatay sila sa hindi kaaya ayang pangyayari at ayaw ko na pang alalahanin dahil hindi magandang alaala yun sa akin
Kung nagtataka kayo bakit hindi ako nagkukuya sa kanya kasi ayaw niya dahil magkasing edad lang daw kami at magmumukha siyang matanda kapag ganun baliw talaga
Pagkadating namin sa nayon agad kami nagpunta sa isang kainan dahil doon daw kami magkikita tulad sa nasabi sa sulat na aming natanggap
Tinali lang namin sa gilid ng puno ang kabayong sinakyan namin sa labas ng nayon dahil wala namang mapaglalagyan sa loob kasi ang liit na ng daan may kabahayan pa kaya naglakad na lang kami papunta sa kainan
Pagkapasok namin hinanap namin ang nagpadala sa sulat kilala namin ang nagdala nito kasi tiyuhin namin siya naglalakbay siya ngayon at ngayon lang namin siya nakita simula nung namatay ang mga magulang namin
Nung nakita na namin siya lumapit kami sa kanya at umupo sa upuan na katapat niya lumapit naman ang waitress at hiningi ang order namin hinayaan ko na lang si sigurd na umorder sa amin
"Ang lalaki na ng mga pamangkin ko"
"Kamusta ka na tito?" sigurd
"Heto buhay pa naman at humihinga" sabay tawa niya
"Hmm mukhang wala pa ring pinagbago itong si theron"
"Tsk"
"Naalala ko pa nung mga bata pa kayo itong si theron ang pinakamadaldal at pinakamakulit sa inyung dalawa" sabay tingin niya sa akin
Lumingiw lang ako sa kanya "Bata pa ako nun at wala pang kamuwang muwang dito sa mundo"
"Pero theron kailangan ba talagang mawala ang masayahing theron?"
"Wala naman dapat ikasaya sa mga araw na ito"
Narinig ko ang pagbuntong hininga nilang dalawa na parang sinasabi nila na suko na ako
"Sigurd ano bang pinakain mo sa iyong kapatid at lumala yata yan?"
"Haha ano.. kasi tito na stress lang yan dahil kay keira"
"Keira? babae yan?"
Tumango tango naman si sigurd kay tito ng dumating ang order namin at nilapag na sa lamesa nagsimula na kaming kumain
"Hmm... babae ha? siya ba ang sinasabi nilang priestess?"
Napatingin naman agad kami kay tito sa sinabi niya alam niya? kilala niya ba si keira? nakita niya na ba ito?
"Alam mo tito?" sigurd
"Nahh narinig ko lang sa usap usapan ng mga tao dito na nahanap na raw ng dalawang Prinsipe ang priestess"
"Alam na pala ng mga tao"
"Hindi pa namin ito inanunsyo kasi hindi pa kami sigurado nakita lang naman kasi namin siya sa kalsada nung nagparada para sa aliwan dito sa bayan"
"Ganun ba? pero sabi nila na hindi raw taga dito ang babae kaya pinaghihinalaan nila"
"O.."pinutul ko ang sasabihin ni sigurd
"Oo.. sabi niya naliligaw daw siya at gusto na niyang umuwi baliw ang babaeng iyon kasi napasok daw siya sa isang libro tapos kami paa ng sinasabing baliw dahil meron kaming kapangyarihan"
"Hahaha mukhang siya na nga yun"
Tumahimik na lang kami at kumain nag-usap lang kami ng konti at nagpaalam na rin sa isat isat dahil uuwi na kami at alam kong maglalakbay na naman itong si tito
Pero bago kami magkahiwalay sa daan na tatahakin namin may sinabi siya sa amin
"Ingatan niyo ang babae wag niyong hayaang mapasakamay siya ng mga masasamang tao alam niyo naman siguro ito mga pamangkin ko"
Tumingin kami sa kanya ng seryoso at tumango pagkatapos ay sumakay na kami sa kanya kanya naming kabayo
"Mag-ingat kayo"
"Kayo rin"
Ngumiti lang siya sa amin at umalis na tinahak na rin namin ang daan pauwi