"BOO!"
"KYAAAHH!!!"
Dahil sa gulat ko binato ko siya ng mansanas na kinakain ko tumama naman ito mismo sa mukha niya kaya unti unting nahuhulog siya pababa
"Ha.. haku?"
Para yatang may nakita akong kaluluwa na lumabas sa bibig ni haku? okay lang ba siya? lagot ako kay althalos kapag may mangyaring masama kay haku
Bumaba ako at binuhat si haku tsaka ako umakyat ulit at umupo sa sanga ng puno ang cute cute talaga nila and so fluffy ang sarap yakap yakapin heheh ano nga ba tawag sa kanila? familiar? saan kaya ako makakakuha
Nakahiga si haku sa hita ko habang kumakain ako ng mansanas umungol naman si haku at dinilat ang mga mata niya pilit lang akong ngumiti
"Okay ka lang? pasensya nagulat kasi ako"
"Okay lang.." sabay tayo niya at lumipad siya para makalevel kami "Tara na umuwi na tayo hinahanap ka na nila"
"Ehh.. mamaya na pwede? gusto ko muna dito please???" pagpupuppy eyes ko sa kanya
"Pero nag-aalala na sila sayo akala nila umalis ka na ng tuluyan"
"Gusto lang maiba ang paligid ko tsaka kapag umalis na naman ako tulad ng dati hindi ako makakakuha ng sagot"
"Sagot?"
"Oo sagot sa mga tanong ko kagabi"
"Keira!"
Napalingon naman kami sa sumigaw si zeva pala hmp! nakakainggit naman eh! meron silang cute na ganito lumapit siya sa amin
"Bakit ka nakabusangot? okay ka lang?" zeva
"Daya wala akong katulad niyo saan ba kayo mahahanap?? gusto ko rin magkaroon"
"Hay naku! nag-aalala na sila sayo" zeva
"Maya na ang sarap pa ng hangin dito eh! naeenjoy ko pa! at kasama ko naman kayo kaya okay lang di ba?"
"Sana hindi ka na galit at sana hindi ka nagkimkim ng sama ng loob sa kanila sadyang yun lang alam nilang paraan para maging ligtas ka kahit papaano" haku
"At sa tingin kasi nila na mas ikabubuti sayo kung wala ka munang alam para hindi ka mag-alala ng masyado" zeva
"Ano ba kasi yun? bakit kailangan nasa ligtas ako?"
"Naalala mo ba yung kwento ko sayo?" zeve
"Kwento? ahhh.. yung tungkol sa isang malakas na wizard na nawala?"
"Kinuwento mo na pala sa kanya? bakit hindi niya pa alam?" haku
"Sira kinuwento ko na parang isang gawa gawang storya lang hindi ko talaga sinabi na totoong nangyari yun" zeva
"Magkwekwento ka na rin lang sana kinompleto na lang" haku
"Ikaw na lang kaya magkwento?" zeva
"Mabuti pa sige tumahimik ka diyan zeva" haku
Masasabi kong malapit talaga sila isat isa
"Sila althalos at asleif ay prinsipe not just a prince but a prince with thier castle crest" haku
"Castle crest?"
"Bawat kaharian ay may kanya kanyang simbolo na nakaukit sa watawat nila yung simbolong iyon ay nakaukit rin sa parte ng katawan nila nung pinanganak sila" zeva
"Ahm so parang birth mark? ganun?"
"Oo parang ganun.. bawat kaharian ay may isa sa kanila na magdadala sa marka ito na pinapahiwatig na isa siya sa napili para maging pillars" zeva
"Pillars are the one who will help and protect the priestess so that they can be succeeded on thier mission" haku
"Wait lang nalilito ako so ang mga pillars ay may mission? and this priestess thingy? sino ang priestess na yun?"
"Ikaw" sabay nilang sabi
"Hahah joke time"
"Hindi kami nagbibiro naalala mo ba ng sinabi ni alex sayo?" zeva
Basta ikaw priestess
"It cant be ako? magiging priestess?? ridiculous"
"Nasa sayo kung maniniwala ka o hindi pero ikaw ang priestess" haku
"Lalong tumatagal nagiging palabiro ang mga nangyayari dito... gusto ko ng umuwi"
"Hindi ka namin pipilitiin na paniwalaan mo kami keira ang sa amin lang ay ngayung alam mo na sana hindi ka gagawa ng ikapahamak mo" haku
"Para hindi rin mapahamak ang mga pillars mo the ritual will not be successful and will not be perform kung kulang ang pillars mo" zeva
"Nung mga bata sila asleif may umatake sa bawat mga prinsipe habang nag eensayo at nag-aaral sila sa mahika nila at kakayahan" haku
"At simula nun hindi na sila nag-aaral at nag eensayo ng sabay dahil hindi na sila pinabyahe dahil magiging delikado lang sa kanila kaya diyan na lang sila sa sarili nilang bahay pinagtuloy ang pag-eensayo" haku
"Ornotopia? di ba yun ang tawag sa lugar niyo?"
"Oo at yun rin ang tawag sa pinaksentro na kaharian at ang pinak sentrong syudad dito" zeva
"Para saan ang ritwal?"
"Para tulungan ang isang wizard na nawawala ang enchantress" zeva
Tumahimik lang ako at sinisick in sa utak ko ang mga sinsabi nila this is really impossible! priestess? pillars? mission? seriously? ako na hindi taga rito tsk! this is getting weird
"Gusto mong umuwi di ba?" haku
"Yeah"
"Ito lang ang tanging paraan na alam ko para makauwi ang enchantress ay ang reyna ng ornothopia ibig sabihin siya ang pinaka reyna dito baka matulungan ka niya" haku
"Ano bang gagawin ko?"
"Una kahit na ayaw mo at hindi ka naniniwala dapat mong tanggapin ang pagiging priestess dahil hindi gagana ang spell kapag walang priestess" haku
"Ughhh .. k fine then?"
Nagkatinginan naman silang dalawa and they smile whatever
"Pangalawa dapat maisama mo ang pitong pillars dahil kung wala sila hindi gagana ang spell kayong walo ang kailangan para gumana ito kapag may nawala sa inyo walang spell na mangyayari" zeva
"It means hindi ako makakauwi"
"Kaya ka siguro napadpad dito dahil ikaw ang napili ng librong iyong sinasabi na gawin ang mission ito kaya hanggat hindi mo ito nagagawa hindi ka makakabalik" zeva
"Ako talagaa ng napili?"
"Oo bakit? araw araw bang may nangyayari na kagaya mo? na biglang bigla napadpad sa lugar na ito?" zeva
Tsk! wag ka ng magsalita keira pagtutulungan ka lang ng dalawang yan
"Kailangan kong maging priestess para makauwi?"
Tumango tango naman silang dalawa kahit na hindi ako naniniwala kailangan para makauwi ako naisipan na naming umuwi pero iniisip ko pa rin talaga kung makakaya ko ba
*ALTHALOS POV*
Nakaupo kami ni asleif dito sa sala at nag-aalala na kami dahil hindi pa rin namin mahanap si keira pati sila zeva at haku hindi na namin makita damn! ano na bang nangyayari?
"f**k! hindi ako mapakali!" asleif
"Ganyan din siguro ang naramdaman ng mga magulang mo ng bigla kang umalis at hindi na bumalik"
"I wrote them a letter at sinabi ko ang mga nangyari maiintindihan naman nila"
Bigla naman bumukas ang pinto at niluwa nun si keira kasama sila zeva at haku nagalakad lang sila papalapit sa amin at umupo sa upuan
"Nakapagdesisyon na ako guys!" determinado niyang pagkasabi
Nagkatinginan naman kami ni asleif nakapagdesisyon? saan? tumingin ulit kami kay keira
"Magiging priestess ako para makauwi na ako sa amin!"
Hinila namin sila haku at zeva sa isang sulok at naiwan doon si keira na nagtataka sa pagbubulungan namin
"Anong sinabi niyo sa kanya?"
"Lahat pero ayaw niyang maniwala na siya ang priestess" haku
"Kaya ang ginawa namin sinabi na lang namin na kapag pumayag siyang maging priestess makakauwi siya dahil kaapg naging successful ang spell na gagawin niya pwede siyang humingi sa enchantress na pauwiin siya" zeva
"Alam ba niya kung para saan ang paghahanap sa enchantress?" asleif
"Hindi namin sinabi sa kanya" haku
"Guys!?" tawag sa amin ni keira kaya bumalik na kami sa kanya
"Anong pinagbubulungan niyo?"
"Wala haha tinatanong lang namin kung anong nagyari at bigla ka yatang naging determinado"
"Pero bakit naging mission niyo ang hanapin ang enchantress?" tanong ni keira sa amin
"Kasi... ano.. di ba nga? siya ang pinakareyna dito? kaya dapat lang siguro na hanapin namin siya para na rin sa kapakanan ng mga taong nasasakupan niya" asleif
"Bawat kaharian ay kailangan na may mamuno para hindi ito madaling makuha ng ibang gustong sumakop dito di ba?"
Napatango tango naman si keira na parang nagegets niya
"Sorry pala keira sa pagsisinungaling ko at paglihim" asleif
"No worries sinabi na sa akin nila zeva na dapat mong itago ang iyong pagkatao dahil may gustong pumatay sa inyo at mas mabuti kung wala akong alam para hindi ako mapahamak"
Ngumiti naman si asleif sa kanya medyo nalilito yata ako sa mga sinasabi nila kay keira hindi ko alam kung tama na ba yung sinabi namin sa kanya
Mas mabuti na lang ngayon dahil may alam na siya at masisimulan na namin ang aming tungkulin
"We'll protect you keira"
"Nope will protect each other dapat protektahan natin ang isat isa dahil hindi porket pumayag akong maging priestess ay gagawin ko na lang kayong panangga naging kaibigan ko naman kayo tsaka kailangan din kayo ng enchantress di ba? para sa spell na gagawin"
Tumango lang kami ni asleif at ngumiti good to hear that this is our priestess
"So? kailan tayo magsisimula sa paghahanap sa lima pang pillars?"
"Bukas aalis agad tayo pero habang naglalakad tayo sa daan mageensayo ka keira"
"Eh? bakit ako?"
"Sabi mo na magiging priestess ka di ba? at proprotektahan mo rin kami? paano mo gagawin lahat na yon kung hindi ka pa ganun kabihasa sa abilidad at kapangyarihan mo?" asleif
"Oo na po!" pout niyang sabi