*ASLEIF POV*
Mabuti at nakawala kami sa lalaking iyon dahil hindi naman niya kami sinusundan pero masyadong malungkot isipin na ganun ang hinantungan ni lady sherilo
Hanggang ngayon si keira ay tahimik lang at hindi umiimik kahit anong usap kong gawin pero kahit ganun okay na yun di katulad kanina na iyak lang siya ng iyak
Hindi na namin alam kung nasaan na kami dahil kanina pa kami lumilipad dito naabutan kami ng umaga sa kakalipad palayo sa lugar na yun
"Zeva maghanap ka ng mapapahingaan muna natin"
Nagdive naman pababa si zeva sa isang mapunong lugar pa-apak niya sa lupan dumapa siya para hindi ganun kataas ang babaan namin ni keira
Bumaba ako muna tsaka ko inalalayan si keira sa pagbaba niya bumalik naman sa pagiging maliit si zeva umupo si keira sa isang malaking ugat ng puno at sumandal dito
"Keira"
"Hayaan mo muna siya makapahinga zeva.. ikaw muna ang bahala dito maghahanap lang ako ng makakain natin"
"Sige"
Lumakad na ako para maghanap ng pagkain lalong manghihina si keira kapag hindi yun makakain ano bang mga hayop na pwedeng kainin sa gubat na ito? halaman?
Di kalayuan ay may narinig akong daloy ng tubig ilog? naglakad ako papunta doon hinawi ko ang dahon na nakaharang at yep! isang ilog tama! mangingisda na lang ako
After 123456789 years........
"Ahhhhhh!!!!!!!" sigaw ko sabay sabunot sa buhok ko
Nabwebwesit na ako sa mga isdang ito! bakit ba ang hirap jila hulihin? nakatayo ako ngayon dito sa ilog at pinilit na hinuhuli ang mga isda gamit ang mga kamay ko dammit!
*TING*
Aha! nga naman anong gamit ng magic ko kung hindi ko ito gagamitin?? hehe konti lang naman at saglit lang niloblob ko ang aking kamay sa ilog i used my magic to freeze the water ang talino ko talaga!
Sinakto kong may dumaan na mga isda para pati sila maging yelo i dispelled the fish that froze hindi naman siya makakalangoy dahil naging yelo ang tubig nakapaligid sa kanya
Kinuja ko isa isa ang mga isda at umahon na sa ilog bumalik na sa dati ang ang tubig pumunta na ako sa pinag-iwanan ko kina keira nag iwan naman ako ng maliit na yelo para makabalik ako sa kanila
"Yow guys! ito na" sabay taas sa mga dala kong isda
"Naligo ka ba asleif? at ang basa basa mo pati buhok mo?" zeva
"Ah.. oo"
Nagsimula na akong gumawa ng apoy in old fashion ways wala kaming dalang posporo at wala kaming kasamang mahikang gumagamit ng apoy
Di nagtagal nakagawa na ako ng apoy at niluto ang isda kahit paano magkalaman naman ang tiyan namin pagkatapos nito kailangan makapunta agad kami sa bayan
Tahimik lang kaming kumakain pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad si zeva naman ay lumilpad para tignan kong saan ang labasan ng mapunong lugar na ito at kung saan kami patungo
"Keira"
Nakayuko pa rin siyang naglalakad napabuntong hininga na lang ako bigla na naman ako nakarinig ng hikbi napakamot tuloy ako sa aking batok lagot! paano ko ba to patatahanin
"Okay lang ako" garalgal ng boses niya
"Ano.. "
"Ill be fine asleif..."
Hindi naman siya humikhikbi kaya hinayaan ko na lang siya at naglakad na lang ng tahimik pagtingala ko nakita ko si zeva na papunta na sa amin
"Oh? may nahanap ka ba?"
"Oo tama itong dinadaanan natin hindi naman ganun kalayo ang labasan ng kagubatang ito"
Tumango na lang ako pinili na lang namin maglakad dahil baka may makakita pa sa amin na kalaban at atakihin kami ng marating namin ang labasan ay nakahinga ako ng maluwag lalo nat nakikita kong may kabahayan sa unahan
"Keira pwede ka naman sumakay kay zeva" sabi ko sa kanya kasi mukhang napagod siya sa paglalakad namin
"No maglalakad na lang ako salamat"
Nagkatinginan kami ni zeva at hinayaan siya naglakad ulit kami hanggang marating namin ang bayan kailangan makabili kami ng bagong damit para hindi kami masundan o madaling mahanap
"Bumili muna tayo ng damit at balabal para hindi tayo mahanap agad"
Tumango lang si keira sumunod lang siya kung saan ako dumadaan hangggang sa makarating kami sa tindahan ng damit at balabal mabuti at may dala pa akong pera
Pumili na ako ng damit at hinayaan ko si keira na pumili na rin ng sa kanya pagkatapos namin makapili binili na namin ito pumunta sa inn para magbihis doon
Napatitig ako sa itsura ni keira ngayon isang sleeveles na damit hanggang hita niya lang ang kanyang suot naka knee sock at nakasandal siya at pinatungan niya ito ng balabal
Dahil nandoon sa likod ang balabal niya nakikita ko ang damit na suot niya nakalugay lang naman ang mahaba niyang buhok tsk! may sense of fashion ang babaeng ito
"Marunong ka pala manamit keira"
"Salamat.. you look good too" poker face pa rin siya
Lumabas na kami sa inn kailangan namin makapunta kina althalos sa tingin ko yung lugar niya ang malapit dito para masigurado ko lumapit ako sa isang lalaking may karwahe
"Ahm manong saan po pa ang daan papuntang skeldergate"
"Ahh pagkalabas mo sa bayan na ito yun na ang kaharian ng skeldergate"
"Salamat po"
"Walang anuman iho"
Naglakad na kami paalis ng bayan hindi kami pwedeng magtagal doon mas lalo kaming mahihirapan kapag makita pa kami doon ngayon ko lang narealize na malayo layo pala ang ang kinaroroonan ni althalos
Bigla na lang nagtransform si zeva "Sakay na.. hindi naman tayo lilipad tatakbo lang ako"
Inalalayan ko si keira na sumakay ng nakapwesto na siya ako naman ang sumunod na sumampa nasa likuran pa rin ako ni keira nakaupo
"Keira alam ko naman na nalulungkot ka at nasasaktan pero wag mong hayaan na kainin ka nito"
"Lady sherilo was like my big sister siya ang nagturo sa akin kung paano ako makacocope up sa mundong ito lagi siyang nandiyan kapag kailangan ko"
"Keira.. hindi naman ikaw ang nawalan someone dear to you si lady sherilo ay malapit rin sa akin dahil simula nung bata pa kaming mga pillars isa siya sa mga nagturo rin sa amin"
"Asleif why? why she has to be die? why?"
"Keira hindi natin alam na mangyayari yun walang nakakaalam dahil kung meron man edi sana may tumalon doon sa harap niya para e.ilag siya sa ataking iyon" zeva
"Keira wag mong hayaan na kainin ka ng kalungkutan at sakit, galit... wag mong iwanan ang pagiging masayahin mo keira dont curse yourself from being happy kasi hindi na ikaw ang keira na nakilala ko kapag ganun"
Bigla siyang sumandal sa akin at hinilig ang ulo sa liig ko niyakap ko siya gamit ang isa kong kamay dahil baka mahulog siya habang nakahawak ang isa kong kamay sa balhibo ni zeva
"Malayo pa ba tayo zeva?"
"Oo maghahanap pa tayo ng mapaghihingaan"
Mabuti na lang at may mga kabahayan kaming nadaanan bumaba ako kay zeva habang buhat ko si keira na natutulog bumalik naman si zeva sa pagiging maliit baka matakot pa ang mga tao dito makita siya ganun kalaki
Naghahanap kami ng pwedeng matulugan ano ba yan wala bang kahit maliit na inn dito? nabibigatan na ako kay keira hindi magaan ang babaeng ito sa paghahanap ko may nahagip akong sign board na inn
Agad akong pumasok doon at umupa ng kwarto isa lang na kwarto kinuha ko mahirap na kung magkahiwalay kami baka nasundan kami at kunin na lang siya bigla
Pumasok na ako sa kwarto namin at nilagay siya sa kama napabuga naman ako ng hangin at nag unat unat sa aking katawan pabagsak na umupo sa kama
"The heck! ang bigat ni keira sumakit ang balakang ko parang mapupunit na ang mga braso ko"
"Haha pagsabihan mong magdiet siya"
"Baliw ka ba zeva? gusto mo bang mapatay ako ni keira? alam mo namang ayaw na ayaw niyang sinasabihan siya tungkol sa timbang at katawan niya"
Kinumutan ko si keira at tinabing ang mga buhok na tumabon sa mukha niya nagtransform ulit si zeva mabuti at tamang tama lang ang lawak ng kwarto
Nakadapa siya lumapit ako sa kanya at doon sumandal ahhh sarap ganito ako kami kapag wala ako sa aking kwarto at gusto kong matulog
"Kailan mo sasabihin kay keira?"
"Siguro kapag dumating na tayo sa paroroonan natin wag muna ngayon masyado pa siyang nasaktan sa pagkawala ni lady sherilo"
"Ano kaya ang ibig sabihin nun na may nahanap siya para matulungan si keirang lumakas"
"Oo nga noh? tanungin na lang natin siya kung nagkita ba sila bago mangyari yun sa ngayon matulog muna tayo ng maaga at para makaalis tayo bukas ng maaga"
Sumangayon naman sa akin si zeva kaya sabay na lang kami natulog sa gabing iyon
Nagising ako ng may yumugyug sa akin ano ba! gusto ko pang matulog! winaksi ko ang kamay na yumuyugyug sa akin
"Gising na asleif tayo na! maabutan na naman tayo ng gabi nito eh!"
"Mamaya na keira"
"Naman eh! bahala ka mauna na nga lang ako sa inyo"
Hindi ako naninawala sa sinabi niya at natulog na lang ulit as if naman na mauuna talaga siya nakabalik ako sa aking pagtulog ng maalimpungatan ako dinilat ko ang aking mga mata at walang keira sa kama
"Zeva gising wala na si keira" antok kong sabi
"Ano?" antok na sabi ni zeva
"Naman eh! bahala ka mauna na nga lang ako sa inyo"
"Nauna talaga siya zeva"
"ANO?" biglang sigaw niya
"Sabi ko na...." at may narealize ako "Ahhhhhh keira!!!!"
Dali dali akong tumayo at bumalik naman sa pagiging maliit si zeva tumakbo ako palabas habang lumilipad naman si zeva