***Mira POV*** "ANG kapal talaga ng mukha mong pumasok pa dito sa university at magpakita sa akin, Mira." Mariing turan ni Jasmine. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang galit sa akin. Pero hindi ako nasindak doon. Tumaas naman ang kilay ko. "At bakit naman ako hindi papasok? Pang aari mo na ba itong university? At hindi ako nagpapakita sayo dahil wala naman akong pakilam sayo. Ikaw nga itong lumapit sa akin, eh." Tumiim bagang si Jasmine at lalong tumalim ang tingin sa akin. "Sirang sira ka na dito sa school Mira dahil malandi ka. Alam na nang lahat na mang aagaw ka." "Alam na nila dahil pinagkalat mo." Sabi ko. "Of course! Dapat lang kumalat yun para malaman ng lahat ang totoong kulay mo. Malandi. Mang aagaw. Isa kang ahas." Panglilibak nya sa akin. "At ano naman ang inagaw

