***Mira POV*** "YOU may now kiss your wife." Nakangiting hayag ng judge matapos nyang ideklara na opisyal na kaming mag asawa ni Alessandro. Halos dumoble naman ang t***k ng puso ko ng humarap na sa akin si Alessandro sabay hapit nya sa bewang ko. Tumaas ang isa nyang kamay at humawak sa pisngi ko sabay yuko nya at siil ng mariing halik sa labi ko. Nahigit ko naman ang hininga at pakiramdam ko ay nasa lalamunan ko na ang puso ko. Nang humiwalay ang labi nya sa akin ay sumigabo naman ang palakpakan mula sa pamilya namin. Nakatitig pa rin sya sa akin habang may ngiti na sa labi. Habang ako naman ay bahagya pang nakaawang ang labi at nabibigla pa rin sa halik nya. "You're officially mine now, amore mio.." Anas nya at hinaplos ang pisngi ko. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot sa

