[WARNING ❗SLIGHT SPG❗] ***Mira POV*** MATAMAN lang akong nakatingin kay Alessandro habang parang ginagawa nyang tubig ang alak. Hindi pamilyar sa akin ang pangalan ng alak pero halatang imported yun. Mukhang dala nya ito mula pa sa Italy. Nag angat sya ng tingin sa akin at nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Tumaas ang gilid ng labi nya habang namumungay ang mga asul na mata. "Problem?" Tanong nya sa magaspang na boses. Umiling ako. "Baka ikaw ang may problema?" Tumaas ang kilay nya. "Ano naman ang magiging problema ko?" Ngumuso ako. "Ewan ko.. umiinom ka eh." Ngumisi sya at muling nagsalin ng alak sa baso. "Porke ba umiinom may problema na?" "Tatlo lang naman ang dahilan kung bakit umiinom ang isang tao. Una, masaya sila. Pangalawa trip lang. Pangatlo, may problema sila."

