***Mira POV*** "PASENSYA na kung agaran kitang pinauwi, Ser Alessandro. Hindi ko kasi ito kayang patagalin pa." Wika ni papa sa seryosong mukha. Magkakaharap na kami ngayon sa sala. Si papa, ako at si mama ang nakaupo sa mahabang sofa at si Alessandro naman ay nakaupo sa single na sofa. Narito na rin ang dalawa kong kuya na kararating lang. Nandito din si Kuya Bryce, Ate Stacey at Tita Matilda. Nakayuko lang ako at hindi makatingin ng diretso kay Alessandro. Bagaman miss na miss ko sya ay natatakot naman akong salubungin ang tingin nya. Natatakot ako sa makikita ko doon. Baka galit yun. "Naiintindihan ko ho kayo, Mang Lauro. Dapat naman talaga akong umuwi ngayong magkakaanak na pala ako." Natigilan ako sa sinabi ni Alessandro. Napaangat tuloy ako ng mukha at napatingin sa kanya. Na

