“PINGGAN? Anong gagawin natin sa pinggan? Paano tayo matutulungan niyan para makapasok sa bahay ni Vanessa?” Nagtatakang tanong ni Dina kay Veronica. Parang gusto na tuloy niyang isipin na nasisiraan ng ulo ang baklang kausap niya. “Teka, 'wag mong sabihin na ipupukpok natin iyan sa ulo ni Vanessa para makatulog siya nang sa ganoon ay makapasok tayo sa bahay niya?” Umiling siya. “'Wag iyan. Gumamit na lang tayo ng malaking bato para siguradong tulog ang babaeng iyon!” Malakas na tumawa si Veronica. “Ang morbid mo naman, Aling Dina! Hindi ganoon ang gagawin natin. Alam mo kasi, itong magandang pinggan na ito ay iyong pinaglagyan ng fudang na ibinigay sa akin kagabi ni Vanessa. Ang gagawin ko ay isasauli ito sa kanya ngayon. Tapos lilibangin ko siya at papasok ka na sa bahay niya. Pero bili
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


