AYAW man ni Jameson pero napagkasunduan ng lahat na sa bahay muna nila itatago ang bangkay no’ng babaeng napatay nila. Una, dahil siya daw naman ang nakabangga dito at pangalawa ay dahil nandoon na rin naman daw sila sa bahay niya. Kaya sandali muna siyang lumabas para tingan kung nasa bahay ba nila ang magulang niya at 'yong isa niyang kapatid na lalaki na mas bata sa kanya. Ang isa sa tatlo nilang kasambahay ang nakasalubong niya sa kanyang pagpasok kaya ito ang kanyang tinanon. Naka-off daw ang dalawa pa nilang kasambahay. Ang mommy, daddy at ang kapatid naman daw niya ay nasa Hong Kong at bukas pa daw yata ang balik. Tamang-tama dahil magiging madali para sa kanya ang pagpasok ng bangkay no’ng babae dito sa bahay nila. “Ah, yaya, kung gusto mo mag-off ka na rin ngayon,” aniya sa kasa

