NAGING matiyaga si Rayver sa pagpunas sa buong katawan ng bangkay. Hindi siya tumigil hangga’t hindi nagiging malambot ang balat nito. Ngunit kahit nawala na ang paninigas ng katawan ng bangkay ay malamig pa rin ito. Sabagay, kahit anong gawin niya ay malamig na talaga ito dahil patay na. Medyo may hindi kanais-nais na amoy na rin ang katawan ng babae kaya pinaliguan niya iyon ng pabango. Ayaw naman niyang gawin dito ang binabalak niya na hindi maganda ang amoy nito. Baka hindi siya ganahan. Mabango na ang bangkay ng babae. Ngunit medyo inatake siya ng kaunting kaba. First time niya kasi itong gagawin sa tanang ng buhay niya. Kaya naman kumuha siya ng alak. Uminom siya nang uminom at nang maramdaman niyang umeepekto na sa kanya ang espiritu ng alak ay binalikan niya ang bangkay. Umupos s

