HURT (Teaser & Chapter 01)

2361 Words

SICK: Part Three presents... •••HURT••• Kaya mo bang "masaktan" para sa pag-ibig? HURT 01 PINAPANOOD ni Daniel ang nanay niya sa pagluluto nito ng banana cue sa kanilang maliit na kusina. Pinagpapawisan ito at halatang nagmamadali na. Pinagsasabay nito ang pagluluto ng saging at pagtutuhog niyon sa stick. “Mama, tulungan ko na po kayo,” untag niya. “'Wag na. Kaya ko na ito. Bantayan mo na lang 'yong kapatid mo at baka magising.” Mahinahon nitong turan ngunit halatang aburido na ito. Nagmamadali na ito dahil alas-dos na ng hapon ay hindi pa ito tapos magluto. Kailangan na kasing maitinda ang mga banana cue nito sa oras na ito. Iniwan na niya ang nanay niya at pinuntahan ang nag-iisa niyang kapatid na natutulog sa duyan. Isang taon pa lamang ito. Mahina niyang idinuyan iyon. May lun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD